Monday, April 18, 2022

Ito Na Pala Ang Buhay Ngayon Ng Dating Sikat Na Aktress Na Si Charee Pineda


 


Naaalala niyo ba pa ang isa sa mga star ng palabas na ‘Angelito Ang Batang Ama’ na si Charee Pineda? Ito na pala ang kaniyang buhay ngayon!


Ang dating star sa teleryeng ‘Angelito Ang Batang Ama’ na si Charee Pineda na ngayon ay isang ganap na konsehal ng Valenzuela ay ikinasal na sa kaniyang kapwa konsehal na si Martell Soledad. Ang una niyang trabaho bago maging isang konsehal, siya ay naging isang Sangguniang Kabataan o SK Chairman mula 2007 hanggang 2010.


Sinabi nga ng matatanda na sa hinaba haba ng prosisyon, sa simbahan din ang tuloy. Kung titignan mo nga naman na sa pitong masasayang taon na pagsasama nina Konsehal Charee at Konsehal Martell ay masayang humantong ang kanilang pagmamahalan sa isang kasalan.

Noong February 28, 2020, ang dating aktres at kasalukuyang konsehal ng Valenzuela City ay nag-post sa kaniyang Instagram ng mga larawan na nagpapakita ng pagpapalitan nila ng kaniyang asawa ng singsing. Dito ay nakatag din si Martell.


Ang kaniyang dating Angelito co-star na si Kaye Abad ang unang tao na nagpaabot ng pagbati sa kaniya. Ang dating co-star mula sa Kapamilya at Kapuso networks ay nagpaabot din ng kanilang mensahe ng pagbati.

Noong nakaraang December 7, 2019, nag-post si Charee ng mga larawan na kuha sa Fatima Church kung saan nakasuot siya ng isang diamond ring na nagpapahayag na kanilang engagement ni Martell. Ang nasabing post ay may nakasulat na: “Sa simbahan ng Fatima. Kung saan nagsimula ang lahat. Mahal kita, Martell martellsoledad.”


Ang huling proyekto ni Charee sa Kapamilya network ay ang pangalawang yugot ng Angelito: Ang Bagong Yugto kung saan tampok ang mga sumunod na pangyayari sa naunang Angelito Ang Batang Ama.


Lumipat si Charee sa Kapuso network noong 2013 bago tumakbo para sa lokal na tanggapan sa Valenzuela bilang isang konsehal. Si Martell ay isa ding politiko at sa katunayan nga ay pinsan siya ni Shalani Soledad.



Ang pag-aasawa ay hindi basta-basta na iyong papasukin dahil ito ay sagrado kung kaya’t mas mainam na maging sigurado ka muna sa iyong sarili na ang taong iyong mapipili ay siya na. Gayunpaman, walang sigurado sa mundo kung kaya’t magiging mainam kung ikaw ay buong magtitiwala.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment