Thursday, August 30, 2018

Gabi Gabi Na Lang Nag-uuwi Ng Karton Ang Dalagang Ito Kaya Naman Lagi Siyang Kinakantayawan Ng Mga Katrabaho Namangha Sila Ng Malaman Ang Dahilan Nito


Kinakantyawan ng mga Katrabaho ang Dalaga na Ito Dahil Gabi-gabi Itong Nag-uuwi ng Karton, Isa Palang Nakakamanghang Gawain ang Dahilan Nito

“Mag-uuwi ka na naman ng karton, Lydia,” biro ng kasamahan niya sa opisina.

Natatawang sinagot niya ito, “Hindi ka na nasanay. Araw-araw naman akong nag-uuwi nito.”



“Maigi nalang pumapayag si boss na ipauwi ang mga ‘yan sayo. Ano ba kasing ginagawa mo d’yan?”


“Binebenta niya ‘yan sa junk shop!”

Tawanan ang mga kasamahan niya. Tinawanan niya nalang rin ang mga ito at saka inayos ang mga dadalhing karton. Sumakto pang umulan bago siya lumabas ng kumpanya. Nagulat pa siya nang biglang may bumusina sa kanya. Nagtaka siya nang makita ang boss.

“Sakay na, Lydia.”


Nahiya man siya ay wala na siyang ibang choice kundi ang sumakay dito.

“D’yan nalang po ako sa kanto, Sir,” ika niya nang makitang malapit na ito sa pupuntahan niya.

Umiling ang lalaki, “No, ihahatid na kita.”

Nagtaka siya sa tinuran nito. Ngunit hindi na siya nagtangkang magtanong pa. Kaya naman ang boss niya na mismo ang nagpaliwanag sa tanong ng isip niya.

“Alam ko kung saan ka ihahatid. Kasi alam ko naman kung saan ang punta mo tuwing uwian. Hindi ka pa dumidiretso ng uwi sa inyo, right?”



Halos-nakangangang tumango siya, “Opo.”

Binaba siya nito sa tabing-kalsada. At tinulungan pa siyang buhatin ang mga karton niya, “Ako na, Lydia. Pakihawak nalang nitong payong.”

Hindi pa rin siya makapagsalita lalo na nang makita niyang may dala pa itong supot ng pagkain. Laking-gulat niya nang magtungo ito sa underground kung saan naroon ang mga pulubing madalas niyang puntahan.

Inisa-isa nitong binigay ang mga karton at ang pagkain. Tuwang-tuwa naman itong tinanggap ng mga ginaw na ginaw na pulubi.

“Maraming salamat, Lydia.”

“Walang anuman po, Mang Aro.”

Simple naman siyang niloko ng isang batang babae, “Ate Lydia, boyfriend mo po?”

Bigla siyang namula, “Hindi po, boss ko siya.”

“Totoo po ba ‘yun, kuya?” tanong ng bata sa boss niya.




Natatawang umiling ang binata, “Hindi pero, crush ko sya.”

Kinilig ang lahat sa sinagot ng lalaki. Siya nama’y hiyang-hiya na at gusto nang lumubog sa kinatatayuan niya.

“Mabait kasi siya. Simula nang una ko siyang makita hanggang sa sundan ko siya sa pagtungo niya dito, sinabi ko noon sa sarili ko, ganitong babae ang gusto kong pakasalan.”

Tulala si Lydia sa narinig. Hindi niya akalaing may nakakakita pala ng kabutihang ginagawa niya. Hindi niya naman ginustong makita siya nito. Ang tanging nasa isip niya lang noon ay mabigyan ng kahit kaunting tulong at kalinga ang mga taong ito.





Ilang buwan ang lumipas ay nagbunga ang pagkakantiyawan noong gabing yun, naging sila ng boss niya. Sabay na rin nilang ginagawa ang pagtulong sa kapwa. Masaya siya dahil sabay nilang ginagawa ang dedikasyon niya sa pagbibigay ng pagmamahal sa mga pulubi at napaka-swerte niyang may nahanap siyang lalaki na may parehong alituntunin sa kanya.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.


Ang Trending News Vireal ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Inday Trending at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment