Tuesday, April 19, 2022

Mayor Isko Moreno, Hinam0n Si VP Leni Robredo Na Umatras Na Sa Kandidatura; “Withdraw Leni”



 Walang pag-aalinlangan at matapang na hinamon ni Manila Mayor Isko Moreno na umatras na sa kandidatura ang kapwa niya presidential candidate na si Vice President Leni Robredo.


Ayon sa kaniya, matatawag umano ito bilang ‘supreme sacrifice’ kung mahal umano ng bise presidente ang Pilipinas.


Dagdag pa ni Isko, tila umiikot lamang ang dahilan ng kandidatura ng bise presidente sa paglaban niya kay Marcos.


Saad ni Isko,


“‘Yung number 2 should do and start initiating the supreme sacrifice. Let Leni withdraw. Withdraw Leni. That’s the (supreme sacrifice). If you love your country.”



Dagdag pa niya,


“Kasi ang laban lang nila, laban lang kay Marcos. ‘Di ba sinabi naman niya yan. Kaya siya tumakbo, gusto lang niyang labanan si Marcos.”


Sinabi pa ng alkalde na siya at ang kapwa niya presidential bets na sina Senators Panfilo Lacson at Manny Pacquiao, at dating defense chief na si Norberto Gonzales ang siyang may ibibigay na serbisyo sa publiko.

“Senator Ping, tumakbo kasi may ino-offer siyang services. Yung galing niya at husay niya sa haba ng panahon ng paglilingkod niya. Gayundin si Secretary Norberto Gonzales Ganun din si Manny Pacquiao at ganoon din po ako.

Philippine Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo announces her candidacy for president, in Quezon City, Metro Manila, Philippines, October 7, 2021. REUTERS/Lisa Marie David

“Let me remind you, VP Leni said so many times and the yellows, said so many many times, No to Marcos. Not to Marcos, not again, never again. There is always about the Marcos. It’s not about you. There seems to be only 3 weeks remaining, more or less. Hindi naging effective yung laban nila kasi nga personal.”


Saad pa ni Isko na isa ang maaaring manalo sa kanila bilang Pangulo ng bansa at matalo ang frontrunner former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kung aatras si Robredo sa kaniyang kandidatura.

Aniya,


“Gusto niyo bang huwag manalo si Marcos? Withdraw Leni. Baka may manalo na hindi Marcos, baka isa sa amin”

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment