Tuesday, June 7, 2022

Zeinab, ‘kinompronta’ si Andrew E; kantang ‘Humanap Ka Ng Panget’, wala raw talab sa kaniya



 Dalawang kontrobersiyal na celebrity ang nagkaharap sa isang vlog upang maklaro kung aplikable pa ba sa mga nangyayari sa kasalukuyang panahon pagdating sa pakikipagrelasyon ang nilalaman ng lyrics ng awiting ‘Humanap Ka Ng Panget’.

Ang nagtanong, walang iba kundi ang sikat na social media personality na si Zeinab Harake, na trending pa rin ang muling pakikipaghiwalay sa singer-rapper na si Skusta Clee o Daryl Ruiz, at ang tinanong naman niya ay walang iba kundi ang kumanta ng hit song na ‘Humanap Ka ng Pangit’ na si Andrew E, na kamakailan lamang ay pinag-usapan ng mga netizen dahil sa pagpapakita ng suporta sa UniTeam.


“Nandito si Andrew E, gusto ko siyang komprontahin kasi gusto kong malaman talaga kung anong nangyari eh,” natatawang sabi ni Zeinab sa kaniyang vlog matapos ang guesting nila sa ‘Rolling In It’ ni Yassi Pressman sa TV-5.


“Gusto ko maitanong bakit yung lyrics niyo, sabi niyo, ‘Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, humanap ka ng panget at ibigin mo nang tunay’.



“Ginawa ko naman. Pero alam mo ‘yon… Lodi ko po kasi kayo mula pagkabata ko, eh. Naniwala po ako doon,” pabirong litanya ni Zeinab.


Tugon naman ni Andrew E, “Well, tama ka naman. Sinabi ko ‘yon. Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay. Pero sinabi ko ‘yon noong 1991. Hindi ko sinabi ‘yon para pang 2022.”


Napag-usapan din nila na totoo raw pala ang kanta ng actress-vlogger na si Donnalyn Bartolome na ‘Di Lahat’.


“Sorry, Andrew E. Iba na ang panahon. Kahit pangit ngayon ay nagloloko.’ Tama si Donna. So, binago na po. Huwag po tayo maniwala kay Sir Andrew E, sa lyrics niya. Kay Donna na tayo maniwala,” biro pa ni Zeinab.


Sa dulo ng kaniyang vlog ay humingi siya ng paumanhin sa mga nasaling o nasaktan sa kaniyang mga biro. Nagbigay rin siya ng kaniyang ‘words of wisdom’.


“Make sure na pangit man iyan o guwapo, dapat di kayo sinasaktan kasi walang may deserve na saktan at lokohin,” ani Zeinab.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment