“Doring, mag-ipon ka kaya para kapag nagretiro ka na dito sa abroad ay makakapagpatayo ka ng sarili mong negosyo,” payo ni Aling Leny, kapwa niya Domestic Helper sa Dubai.
Ngumiti si Doring sa matanda, para na rin niya itong nanay kaya todo ang pagmamalasakit nito sa kanya.
“Naku, Aling Leny, sa mga kapatid ko palang ay kulang na ang sinasahod ko. Paano pa ako makakaipon para sa sarili ko?”
Napapailing nalang ang matanda sa sobrang kabaitan niya, “Hija, malalaki na at may sarili nang mga isip ang mga kapatid mo. Hindi masamang sarili mo naman ang isipin mo kung minsan. Aba, napakahirap magtrabaho sa ibang bansa. Hindi naman natin pinupulot ang pera dito.”
Kung minsan ay naiisip niyang tama naman ang matanda pero sa tuwing dumadaing ang pamilya niya sa kanya ay hindi niya talaga mapa-hindian ang mga ito.
Hanggang isang trahedya ang nangyari kay Doring na naging dahilan ng sapilitang pag-uwi niya ng Pilipinas. Nadulas siya at napuruhan ang kanyang spinal cord o likod. Dahil doo’y naging baldado na siya.
Sa kanyang pag-uwi ay masaya siya dahil muli niya nang makakapiling sa wakas ang kanyang pamilya.
“Siguro’y miss na miss na nila ako Aling Leny. Baka buhod ang luha nila kapag nakita nila akong muli.”
Ngumiti ang matanda, “Sana nga hija. At sana ngayon ay ikaw naman ang alagaan nila. Hindi ka na nakapag-asawa sa kakaintindi sa pamilya mo.”
“Sa tingin ko naman po ay walang masama doon. Mahal ko po ang pamilya ko at kahit buhay ko po ay iaalay ko sa kanila.”
Naiiyak at naaawa nalang na nayakap ng matanda si Doring.
Excited si Doring na makalapag ang eroplanong sinasakyan sa Pilipinas. Sa wakas ay muli na niyang mayayakap ang pinakamamahal niyang pamilya.
Sa airport ay nagtaka siya dahil walang sumalubong sa kanya. Sakay ng kanyang wheelchair ay hinanap niya ang kumpol ng mga kapatid at magulang niya. Ngunit nadismaya siya nang makita na ang tiyahin niya lang ang sumalubong sa kanya.
“Nasaan po sila nanay?” tanong niya sa tiyahin.
Malungkot na umiling ito, “Hindi daw sila makakarating. Sa bahay na lamang kayo magkita.”
Ngumiti siya at sumunod nalang dito.
Sa bahay nila ay excited siyang pumasok sa loob. Sa pag-aakalang may surpresang inihanda ang mga ito sa kanya ay nagkunwari siyang hindi kinakabahan.
Pero ganoon nalang ang pagkadismaya niyang muli nang nakasimangot na sinalubong siya ng kanyang pamilya, “Ano ba naman ‘yan Doring,” ika ng kanyang ama. “Alam mo namang ikaw lang ang inaasahan dito, nagpabaldado ka pa.”
“Ano pang aasahan mo d’yan? Eh lampa naman talaga yan noon pa,” sabad ng kanyang ina.
“Ate, paano na ‘yung iPhone ko?” tila nagtatampo pang ika ng bunso niyang kapatid.
Naluha nalang si Doring. Hindi niya akalaing ganito pa ang isasalubong sa kanya ng pamilyang pinag-alayan niya ng hirap at pagod.
Tama nga si Aling Leny, walang masama kung minsan ay sarili muna ang mahalin at intindihin.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.
Ang Daily News Viral ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Daily News Viral at ng kanyang mga manunulat.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.
Ngumiti si Doring sa matanda, para na rin niya itong nanay kaya todo ang pagmamalasakit nito sa kanya.
“Naku, Aling Leny, sa mga kapatid ko palang ay kulang na ang sinasahod ko. Paano pa ako makakaipon para sa sarili ko?”
Kung minsan ay naiisip niyang tama naman ang matanda pero sa tuwing dumadaing ang pamilya niya sa kanya ay hindi niya talaga mapa-hindian ang mga ito.
Hanggang isang trahedya ang nangyari kay Doring na naging dahilan ng sapilitang pag-uwi niya ng Pilipinas. Nadulas siya at napuruhan ang kanyang spinal cord o likod. Dahil doo’y naging baldado na siya.
“Siguro’y miss na miss na nila ako Aling Leny. Baka buhod ang luha nila kapag nakita nila akong muli.”
Ngumiti ang matanda, “Sana nga hija. At sana ngayon ay ikaw naman ang alagaan nila. Hindi ka na nakapag-asawa sa kakaintindi sa pamilya mo.”
Naiiyak at naaawa nalang na nayakap ng matanda si Doring.
Excited si Doring na makalapag ang eroplanong sinasakyan sa Pilipinas. Sa wakas ay muli na niyang mayayakap ang pinakamamahal niyang pamilya.
Sa airport ay nagtaka siya dahil walang sumalubong sa kanya. Sakay ng kanyang wheelchair ay hinanap niya ang kumpol ng mga kapatid at magulang niya. Ngunit nadismaya siya nang makita na ang tiyahin niya lang ang sumalubong sa kanya.
“Nasaan po sila nanay?” tanong niya sa tiyahin.
Ngumiti siya at sumunod nalang dito.
Sa bahay nila ay excited siyang pumasok sa loob. Sa pag-aakalang may surpresang inihanda ang mga ito sa kanya ay nagkunwari siyang hindi kinakabahan.
Pero ganoon nalang ang pagkadismaya niyang muli nang nakasimangot na sinalubong siya ng kanyang pamilya, “Ano ba naman ‘yan Doring,” ika ng kanyang ama. “Alam mo namang ikaw lang ang inaasahan dito, nagpabaldado ka pa.”
“Ano pang aasahan mo d’yan? Eh lampa naman talaga yan noon pa,” sabad ng kanyang ina.
“Ate, paano na ‘yung iPhone ko?” tila nagtatampo pang ika ng bunso niyang kapatid.
Naluha nalang si Doring. Hindi niya akalaing ganito pa ang isasalubong sa kanya ng pamilyang pinag-alayan niya ng hirap at pagod.
Tama nga si Aling Leny, walang masama kung minsan ay sarili muna ang mahalin at intindihin.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.
Ang Daily News Viral ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni Daily News Viral at ng kanyang mga manunulat.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment