Sunday, April 17, 2022

Toni Gonzaga, Pinunasan Daw Ng Tissue Ang Kili-Kili At Itinapon Ito Sa Isang Nag-O-OJT


 


Talaga namang laman ngayon ng usapin sa social media ang Kapamilya actress at TV host na si Toni Gonzaga matapos niyang ipakita ang suporta niya sa isang kandidato na hindi kandidato ng kaniyang home network. Nag-viral si Toni matapos niyang mag-host sa isang kandidato na kaniyang ninong at kinakampanya.


Kaya naman maraming netizen at ilan sa kapwa artista ni Toni ang nagapapa-cancel culture sa kaniya dahil hindi ito matanggap sa kaniyang home network. Kasunod nito ay ang paglabas naman ng mga isyu tungkol sa aktres.



Matapos ngang mag-trending ni Toni ay sunod sunod na batikos ang kaniyang natanggap mula sa mga netizens at sa kaniyang mga kapwa artista.

Isa na nga dito ang dating PBB housemate na si Dawn Chang kung saan hayagan nitong inihayag ang kaniyang pagka-dismaya sa ginawa ni Toni at lumabad na din ang ilang isyu sa kaniya na nangyari daw noon tulad na lamang ng isang theatre actor na naglabas ng kaniyang saloobin sa ginawa sa kaniya ni Toni.




Usap-usapan kasi ngayon ang ibinahaging tweets ng theatre artist na si Mark Ghosn kung saan ibinahagi nito ang kaniyang karanasan noong siya ay nag-o-OJT pa sa kamay ni Toni kung saan hinding hindi daw niya makakalimutan ang pangmamaliit at pambabatos na ginawa ni Toni sa kaniya noong siya ay nag-o-OJT pa lamang.



Ayon kay Mark, wala daw available na intern noong mga oras na iyon at mayroon daw mall show kaya naman siya na lamang ang kinuha ng kaniyang manager. Pumayag naman daw siya dahil idol niya nga daw si Toni ngunit doon niya ikinabigla kung gaano daw kamaldita ang TV host.


Kakarating lamang daw ni Toni noong mga panahong iyon kaso bad trip daw ito dahil namamawis ang kaniyang kili-kili. Kaya naman binigyan ito ni Mark ng tissuie ngunit hindi man lamang daw nagpasalamat ang aktres at noong inabot na niya ang mic dito ay ibinato sa kaniya ang tissue na ipinunas ni Toni sa kaniyang kili-kili.



Gulat na gulat daw si Mark sa pangyayari at hinding hindi niya daw makakalimutan ang ginawang ito ni Toni sa kaniya.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment