Marami ang nahabag sa larawan ng mag-anak na makikita sa larawan. Dahil sa labis na kahirapan ay walang kakayahang makabili ang mag-anak na ito ng sarili nilang telebisyon kung kaya't minabuti nilang makinood na lamang sa kaniang kapitbahay. Mula sa labas ng bahay na kanilang kapitbahay ay matiyaga silang nakatayo habang nakikinood ng palabas sa telebisyon.
Ngunit tila napansin sila ng kanilang kapitbahay Dali-dali itong lumapit sa mag-anak ngunit hindi para papasukin at hayaan manood ng telebisyon bagkus ay dali-dali nitong isinara ang pintuan at bintana upang hindi na makapanood ang mag-anak.
Kaya naman, umalis na lamang ang mag-anak. Makikita sa isang larawan na tila tinanaw pa ng ama ang pintuan ng kanilang kapitbahay bago sila umalis.
Narito ang ilan sa mga saloobin ng mga netizens:
"Buti nlng de nmin naranasan yng ganyan kc kming mgkkpatid mga dahon lng at bunga ng tibig ok n kmi,msya n kmi doon samahan p ng paglalaba paliligo s sapa sbay namamayabas."
"danas ko to ND nlang mag Sabi Kung ayaw mag panood sasaraduhan pa agad nkakakabastos Lalo na my nanonood na matanda"
"Marami ganyan na kapitbahay sasarahan ka kahit maipit pa kamay mo pag sara nila ng pintuan"
"Pero nuon nagka tv naman kami pinapapasok pa ng mama at5 papa ko ang mga nanunod sa labas black and white pa tv namin nuon"
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment