Monday, December 6, 2021

Willie Revillame, May Isang Mabigat Na Desisyon Na Gagawin Para Sa Show Na Wowowin Na Ikinagulat Ng Marami


 


Isang anunsyo ang inihayag ng TV host na si Willie Revillame kamakailan lamang sa kaniyang programang Wowowin tungkol sa isang mabigat at malaking desisyon na kailangan niyang gawin.

Sa segment ng kaniyang programa na "Wowowin - Tutok to Win", isang bagay ang kaniyang ipinahiwatig na talagang nagpaintriga sa marami.


Aniya,


"Sa tamang panahon sasabihin ko ho yung magiging desisyon ko, at sasabihin ko dito sa programang ito."


Saad pa ng TV host, patuloy niya pa din pinag-iisapan hanggang ngayon ang kaniyang desisyon na ito at nais niya pa din na tumayo ang programa kahit hindi na siya ang maging host nito.




Dagdag ni Kuya Wil,


"Mawala man ako, gusto ko meron pa ring isang host na makakausap niyo. Kung sakali hong ang maging desisyon ko sa buhay ko ay mabigat, ipagdadasal ko itong mabuti, pag-iisipan ko itong mabuti."


"Itong programang ito dapat ho ay laging nandyan, mawala man ako sa mundo, sana meron paring Wowowin."

Gayunpaman, inihayag ni Kuya Wil na hanggang ngayon ay pinag-iisipan pa din niya ang kaniyang gagawing desisyon at sinabi na maaaring mag-iba ang direksyon ng kaniyang buhay sa ilang pagkakataon.


"Syempre dumarating ang time sa buhay mo na dapat kang magdesisyon, sa tamang panahon, sa tamang oras ho sasabihin ko kung ano ang magiging desisyon ko sa buhay. Iniisip ko lahat."



Saad pa ng TV host,


"Sa bawat nakakasama kos a industriyang ito, bago ako magdesisyon sa buhay ko kayo ang makakaalam, walang iba. Dito sa programang ito malalaman niyo po yan, pero wala pang desisyon."


Samantala, hindi naman direktang sinabi ni Kuya Wil kung health-related ang kaniyang magiging desisyon bagaman inamin niya na siya ay may isyu sa kalusugan na pagkagising niya noong umaga ay wala siyang boses at ito ay bumalik lamang bago siya pumunta sa studio.


Pagbabahagi ni Kuya Wil,


"Sa totoo lang ho kanina wala akong boses. Talagang totally wala paggising ko. Kaya hindi ako nagsasalita. Dito lang ako nagsalita, pagpasok ko. Thank you Lord, may boses ulit ako."


Marami naman sa mga netizens ang naintriga sa pahayag na ito ni Kuya Wil ngunit hanggang ngayon ay wala pa ding sinasabi ang TV host tungkol dito.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

1 comment:

  1. Para Kay idol ko na si kuya Willie revillame hihingi po ako Christmas gifts sa kanya idol na idol ko si kuya Willie. Matulongin sya sa mahihirap. ivoto ko sya pagtatakbo syang presidenti ng pilipinas.

    ReplyDelete