Monday, December 4, 2017

Puno Ng Balete Sa Ilocos Norte Dinadayo Ng Turista


ILOCOS NORTE - Sa Pilipinas, kinatatakutan ng karamihan puno ng balete.

Pinaniniwalaan kasi na pinamamahayan ang mga ito ng multo, engkanto, at iba pang mga nakakatakot ma elemento.





Pero ang isang baleteng nasa may gilid ng national highway sa Sitio Diriki, Barangay Davila sa bayan ng Pasuquin, nilalapitan at kinagigiliwan.

Punung-puno ang balete ng mga perang papel at barya. Bukod sa peso bill, may mga foreign currency rin na nakasabit at nakaipit.

Tinatawag ngayon ang balete na "wishing tree."

Kwento ni Jolly Manzano, may-ari ng restaurant na katabi ng balete, nagsimula ang paniniwala mahigit apat na buwan na ang nakalipas nang may customer na balikbayan na unang naglagay ng pera sa puno.

Paniwala daw kasi ng balikbayan ay may dalang swerte ang balete.

Pinag-usapan ng mga residente ang nangyari hanggang sa sunod-sunod ang mga lumapit at naglagay ng pera sa puno.

Isa sa mga sumubok maglagay ng pera ay si Domingo Enciso. Para sa kanya, wala naman daw masama kung susubukan at maniniwala.

"Kung sakaling ma-grant, eh di okay. Kung hindi naman, okay lang kasi wala namang masama sa wish," sabi ni Enciso.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment