Matapang na sinagot ni Agot Isidro ang mga panlalait at batikos na natanggap mula sa ilang mga netizens at pinagsabihan ang isang media outlet na ginamit umano siya upang makahakot ng "engagement" sa social media.
Hindi maipagkakaila na maraming pangbabatikos ang natatanggap ng singer-actress mula sa online community dahil sa kaniyang political at social views.
At kamakailan lamang nga ay muli na naman siyang nakatanggap ng mga panlalait at negatibong komento dahil sa post na ginawa diumano ng TV5 Manila.
Dahil dito, tinawag ni Agot ang pansin ng nasabing media outlet at pinagsabihan ito na huwag isyang gamitin para lamang makahakot ng engagement sa social media.
Pasimula ni Agot sa kaniyang tweet,
“To tv5manila, would appreciate if you do not make me a target for your socmed ‘engagement’. Thank you!”
Hindi din pinalampas ng 55-anyos na aktres ang mga nang-insulto sa kaniyang hitsura.
“To my bashers. 1. Sana di kayo tumanda. 2. Sana mas maayos ang ichura nyo dito pag 55 na kayo. 34, Ang pagbabatikos ko ay para sa inyong kapakanan.”
Marahil nabasa ng TV5 Manila ang naturang tweet ni Agot dahil ngayon ay burado na ang post ng naturang Instagram page.
Nag-post naman ng isa pang tweet ang singer-actress upang pasalamatan ang media outlet para sa action na kanilang ginawa.
Samantala, may ilan namang netizens ang nagpakita ng kanilang suporta kay Agot at pinuri ang hitsura nito.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"I saw you in person about two or three years ago, singing with Joanna Ampil in BGC. You look and sound amazing!"
“Maganda pa rin para sa isang 55 yrs old at matapang na nakikibaka para sa bayan. Para sa akin you are beautiful inside & out. Magaling na actress.”
“The ever gorgeous Ms. Agot and defender of millions of Filipinos. Salute to you Ms. Gorgeous!”
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment