Tinawag na ignorante ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang senatorial aspirant na si Raffy Tulfo makaraang sabihin ng brodkaster na palpak ang drµg wår ng administrasyong Duterte.
Sa isang panayam, sinabi ni Dela Rosa na nagtataka siya kung bakit bumalimbing si Tulfo gayung dati ay bilib ba bilib ito sa kampanya ng pamahalaan kontra droga.
“Noon, hanga siya sa drµg wår . Ngayon failure na. Tatanungin ang taumbayan, sino siya para mag-judge na failµre ‘yung drµg wår?” ayon sa senador na tatakbo namang pangulo sa 2022.
Inilarawan din niya na privileged si Tulfo.“Siguro ‘yung mga tao na nagsasabi na failure ang drµg wår, just to be frank, ito ‘yung mga tao na nakatira sa mga gated community, mga posh subdivision na very safe sila sa kanilang pamumuhay doon dahil gwardyado sila,” sabi niya.
Ipinaliwanag din ng senador na naging matagumpay ang drµg wår dahil maraming malalaking personalidad ang nadakip ng pulisya.
“Ano pala ‘yung mga Intsik na nagamatay diyan, ‘yung mga mayor, ‘yung mga cong na tinamaan sa wår on drµgs hindi pala ‘yun malalaking mga tao?” hirit niya.
“That only goes to show that they are ignorant about the real situation of the drug problem sa Pilipinas,” dagdag ni Dela Rosa.
Matatandaang sinabi ni Tulfo na “definitely a failure” ang drµg wår dahil maging si Pangulong Duterte ay nagsabing bigo siyang puksain ang iligal na drogå sa bansa.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment