Friday, October 22, 2021

BBM at Sarah Duterte may pag-uusap nga ba sa Cebu?




 Sa isang post ng faceboook page ni Luminous by Trixie Cruz-Angeles & Ahmed Paglinawan, ibinahagi ang mga aktwal ng larawan ng pag-uusap ni mayor Inday Sara Duterte at Bongbong Marcos.


 


Naging usapan ngayon sa social media ang biglaang pagbisita ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa Cebu City.


Sa ilang larawan na kumakalat sa social media, makikita ang alkalde na nakasoot ng green na jacket na may nasulat na “Sara All” 2022.


 

Ang nasabing kulay ang campaign color ng partido ni Inday Sara noong 2019.


Ayon kay Peter Tiu Lavina pumunta si Inday Sara sa Cebu sakay ng PR2366.



“It’s alright that not many noticed my post early yesterday about CeeeBooom and how I wish I would be there this weekend. The reason why is now unfolding – Mayor Sara just took off on board PR2366 bound for Cebu; BBM is in Cebu and also information Speaker Lord Velasco is on his way to Cebu.” ani Lavina na naging campaign spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.


Sa araw ding ito ay nasa Cebu din ang presidential candidate na si dating senador Bongbong Marcos.


 

Matatandaan na mainit ang usapin tungkol sa posibleng tandem ng dalawang popular na politiko na maari daw maging sakit ng ulo sa ibang kandidato.


This is what Cebu Governor Gwendolyn Garcia has to say following the courtesy call of presidential aspirant and former Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at the city’s capitol on Friday, October 22


 

Samantala, hinihimok ng PDDS si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagka-Pangulo


Hinimok ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS) si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo sa pagka-Pangulo sa halalan 2022.



Sa ginanap na webinar ng partido sinabi ni PDDS President Dr. Greport Butch Belgica na patuloy na hinihimok ng partido na tumakbo si Mayor Sara Duterte at payag na ipa-substitute ang kanilang pambato upang makatakbo ang alkalde sa pagka-Pangulo. Tiniyak ni Belgica na susuportahan aniya ng kanilang grupo at iba kang kaalyadong grupo si Mayor Sara kung sakaling magdesisyon itong tumakbo.


Sakali man aniya na hindi tumakbo si Mayor Sara ay umaasa ang partido na mamimili si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kayang pumalit sa posisyon gaya aniya ni Senador Bong Go na kasalukuyang tumatakbo bilang bise presidente.


Tiniyak naman ng PDDS anuman ang maging desisyon ng mag-amang Duterte ay patuloy nitong isusulong ang pederalismo, kampanya kontra droga, korapsyon, at rebelyon.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment