Friday, July 9, 2021

Robin Padilla may mensahe kay Aljur Abrenica: “Wag mong gagawin sa anak ko yun kundi huhuntingin kita.”


 






Naging usap usapan sa social media ang panayam ni Ogie Diaz sa aktor na si Robin Padilla kung saan ay inamin nito na hiwalay na ang kanyang anak na si Kylie at Aljur Abrenica.


Sa nasabing panayam, sinabi ni Robin na sinusubukan niyang hindi mangialam sa isyu ng mag asawa dahil wala naman siyang papel doon.



 

“Wala naman papel ang tatay dun. Hindi ka dapat makialam. Away ng mag-asawa yun eh, may mga anak pa. Masakit syempre, sa akin.” ani Robin.




Pinigilan niya din si Aljur sa idaan sa social media ang kanilang problema dahil ito ay nakakahiya.


Tinanong naman siya ni Ogie kung naniniwala siya na ibang babae ang dahilan kung bakit nagkalabuan ang anak niya at si Aljur.


“Meron daw eh. Imposible ba yun? Yan ang sinasabi ko kay Kylie, ‘Lalaki yan. Natural! Sino ang maintindihan ko? Eh lalaki ako,” sabi ni Robin.

Nangyari na din daw kay Robin ang kaparehong sitwasyon ng ilang beses.


“Sinabi ko nga kay Kylie nung nag-usap kami, ‘Lalaki yang asawa mo. Pasalamat ka nga alam mong lalaki eh.’ Eh wala, hindi raw niya kaya,” kwento ng aktor.


Ayon sa kanya ay ayos lang naman kung third-party ang dahilan ng problema ni Kylie at Aljur ngunit iba na daw ang usapan kung umabot sa punto na magkakasakitan ang dalawa.




“Tinanong ko siya, syempre. Ang mga una kong tinanong sa kanya, ‘Sinaktan ka ba?’ yan ang mga unang tanong. Dun lang naman tayo papasok kapag nasaktan ang anak mo. Eh wala naman, mabait naman din si Aljur,” bulgar ni Robin.



 

Mensahe naman ni Robin kay Aljur ay wag na wag niyang pagbubuhatan ng kamay si Kylie.


“Mag-sorry ka kung sinaktan niya ng pisikal kasi iba yun. Huhuntingin kita, Aljur. Wag mong gagawin sa anak ko yun.” mensahe ni Robin.


“Hindi ko sinaktan yang batang yan, wag mong gagawin yun pare. Pero yun mga ganyang babae babae, natatawa pa ako diyan.” dagdag niya pa.



Wala din daw balak si Robin na kausapin si Aljur tungkol sa diumano’y babae nito.


“Basta walang pisikal na nangyari, okay na yun. Walang pisikal, yan ang iwasan natin. Wag dadating sa ganun, pangit.”



 

Naging magkarelasyon si Kylie at Aljur noong 2011, ngunit naghiwalay ito matapos ang tatlong taon.


Nagkabalikan ang dalawa noong 2016 at ikinasal noong 2018 kung saan ay nagkaroon din sila ng isang anak.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment