Tuesday, April 5, 2022

Willie Revillame, Emosyonal Matapos Lumabas Ang Resulta Ng Kaniyang Canc3r Test



 Hindi mapigilan ng TV host na si Willie Revillame na maging emosyonal matapos lumabas ang resulta ng canc3r test na isinagawa sa kaniya.

Matatandaang humiling si Willie sa kaniyang mga taga-suporta na ipagdasal siya sa pamamagitan ng Facebook page at YouTube channel ng 'Wowowin' matapos malamang siya ay may p0lyps sa c0lon o large intestine. 


Inamin ng TV host na nakaramdam siya ng takot nang ipaalam sa kaniya ng mga doktor ang kaniyang kondisyon. Kaya naman kaagad siyang sumailalim sa iba't ibang uri ng medical test. Habang wala pang resulta sa mga test na ginawa sa kaniya, aminado si Willie na natatakot siya dahil malaki umano ang chance na siya ay mayroong canc3r.

Kahapon nga lamang ay dumating na ang kaniyang hinihintay na resulta. Abot-langit ang pasasalamat ng TV host-comedian matapos malamang negatibo siya sa canc3r. 


"Thank you, Lord. Thank you," ang maligang maligayang pahayag ni Willie nang matanggap ang good news mula sa kaniyang mga doktor.


Aniya, talagang napaka lakas ng powers ng sama-samang pagdarasal ng mga taong nagmamahal at nagmamalas4kit sa kaniya. 



Paalala pa niya sa publiko,


"Kailangan po nagpapa-executive check up tayo yearly. Kung hindi niyo naman kaya, magpa-check kayo kahit outpatient kayo. Lalong lalo na yung endoscopy, colon0scopy para malaman niyo po kung anong mayroon kayo sa loob."


Saad pa niya,

"Katulad nung akin, nagkaroon po ako ng tinatawag nating p0lyps. Nakita sa colon ko na may p0lyps ako, madalas merong ganoon. Natatanggal naman every year. Eh, 2 years ho tayong hindi nagpa-executive check-up because of C0VID. So, dalawang taon akong hindi na-check, and then may nakita sa stomach ko. 

"Pero awa ho ng Diyos, kanina, tinawagan ako ng 8:30 am ng aking doktor na si Doctor Juliet Servantes ng St. Lukes Global. Sabi niya, 'Oh, Willie, kumusta ka? Sobra kang magdasal. Good news, negative ka sa canc3r.'" 

"Thank you, Lord. Thank you. Maraming maraming salat ho sa mga nagdasal para sa akin," ang bahagi pa ng pasasalamat ni Willie.

Inaatake din daw siya ng kaba habang hinihintay ang resulta ng kaniyang test.



Pahayag pa ng komedyante,


"Medyo hindi ako nakakatulog ng ilang gabi. Sabi ko nga, 'I'm ready'. If worst come to worst, ooperahan ako, puputulin 'yung bituka ko. Ready naman ako. Ganon talaga ang buhay. Mag-stop ako ng 1 month o mahigit 1 month and a half, okay lang din. 


"But anyway, ang pinaka-importante, maraming maraming salamat sa mga nagdasal. Maraming salamat sa mga kaibigan ko sa lahat."

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment