Sunday, December 5, 2021

Isang Reporter pinagsabihan ng kapatid ni Jonel Nuezca matapos i-cover ang libing ng dating pulis: “Bilang respeto nalang sana sa kapatid ko!”


 


Isang reporter ang napagsabihan ng kapatid ni Jonel Nuezca matapos nitong subukan na i-cover ang libing ng dating pulis.


Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng reporter ng GMA na si Russel Simorio na sinubukan niyang sundan ang libing ni Nuezca hanggang sa loob ng sementeryo ngunit pinigilan siya ng  mga kamag anak ng dating pulis.


“Nagagalit ‘yung kapatid ni Jonel Nuezca kaya di kami makalapit sa karo.” ani Simorio “Pasensiya na po at condolence sa pamilya ni Nuezca”





 

“Walang mga tarpaulin o anumang pagkakakilanlan sa libing ni Jonel Nuezca kanina. Paraan ito ng pamilya para na rin sa kanilang proteksyon.” dagdag niya pa.




Dahil dito ay bigo siya na makakuha ng litrato ng mismong paghahatid kay Nuezca sa kanyang huling hantungan.


Sa live video naman na ibinahagi ni Simorio ay makikita ang pag uusap nila ng kapatid ni Nuezca.


“Ayoko sana ng may nagbi-video… may kaparatan naman po siguro kami bilang respeto nalang sa kapatid ko,” sabi ng kapatid ni Nuezca.


“Nananahimik kami ng matagal tapos bi-videohan niyo po kami ng ganyan?” dagdag niya pa.


Sobrang apektado na daw sila ng isyu na kinaharap ni Nuezca kaya naman ayaw na nilang mabuhay pa muli ang usapan tungkol sa ginawa ng dating pulis.



 

Tumanggi din ito na magbigay ng pahayag tungkol sa kanyang kapatid.


Matatandaan na si Simorio din ang sumunod sa biyahe ng mga labi ni Nuezca na hinatulan ng panghabambuhay na pagkakabilanggo dahil sa pagtapos niya sa buhay ng kanyang mag-inang kapitbahay.


Personal na hiling daw ng pamilya Nuezca na maging pribado ang libing ng dating pulis bilang proteksyon narin sa kanila.


Nakatanggap naman ng suporta ang reporter sa mga netizens.



“Pamilia Ng mayabang walang magawa anak Mula ama kahet Kapatid iisa ugali mana mama lang yan.” sabi ni Lynn Daus.


“Ung tono po ng pananalita ng kapatid nia kasing sama din at Bastus ng kapatid niya pumatay ng mg ina baka lht silang mgkakapatid masama rin ang ugali,” komento pa ng isang netizen.



 

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang pamilya ng dating pulis.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment