Thursday, August 19, 2021

Panoorin: Mag-ina sabay na pumanaw dahil umano sa kapabayaan ng kanyang midwife


 


Tulungan nyo po kaming maipa abot itong mensaheng ito kay sir Raffy Tulfo in Action  Para makamit natin ang hustisya para sa mahal nating si Jaila at Baby Mahalia.


June 11, 20214 am ng umaga nag decide kaming dalawa ni jaila pumunta sa lying dahil my tubig at dugo ng lumabas sa kanya. Pag dating namin sa lying in tinignan nila agad si Jaila sa loob ng Check up room. Simula noong mga unang check nmin hndi ako nkakasama sa loob ng check up room hndi ko alam kung bakit kaya nkikibalita nalang ako sa aking asawa. Ngsagawa sila ng I.E kay jaila ang sabi sa akin ni jaila 8cm nadaw ayon kay Midwife kaya umalis muna ako saglet para kuhanin amg gamit nilang dalawa. Pag balik ko sa lying naka higa na si jaila facing left habang nka bukaka sa ward.


Chineck ng mid wife ang BP ni jai lahat naman ay normal at chineck din nya ang heart beat ng aming baby normal naman silang parehas sa lahat ng Lab test nila mula umpisa ng malaman naming buntis na si Jai. Inadvice kmi ng midwife na pakainin at paliguan si jai para may lakas si jaila sa panganganak. pagkatpos ko syang paliguan at pakainin mga ilang minuto sumakit n ng sobra ang tyan nya. tinawag ko ang mid wife para sabhen na masakit n sobra ang tyan na. chineck nila si jai enI.E nila.ulit si Jai tpos dinala na sya sa delivery room. Sinabhan ako ng mid wife na sila na dw ang bhala kay jaila. mg hintay dw ako sa ward at matulog dahil alam dw nila na puyat ako. So nghintay ako sa ward d ko namalayan n nkatulog na pla ako dahil nga sa puyat. ngulat ako ng gnicng ako ni midwife para sabhing umuwe oh mag ikot2 daw muna dahil hndi dw mapaanak si jaila. kinuha nila ang phone ni jaila pati ang phone number ko para kapag okay na dw tatawagan nila ako.


umalis ako ng clinic para umuwi ng mapa isip ako kung natural lang b na pauwiin ako kse ako lang ang ksama ni jai kasi isang bantay lng ang pwede kada pasyente. tinanong ko si tita (Nanay na jaila) kung ganon b tlga kailangan kong umalis sa lying dahil lng hndi ma paanak si jai? sabi ni tita hindi daw kasi nga ako lang ang kasama ni jaila. pero nghntay ako ng mga ilang oras. nka idlip narin sa tagal. wala paring twag ang clinic. nag decide na kong bumalik dahil nga hndi n ako mapakali kung ano n bng ngyayare at bakit napaka tgal ng tawag nila. bumalik ako ng clinic nag hintay ulet ng mga ilang oras o minuto. hanggang lumabas si midwife para sabhing nakita na nila ang ulo ng bata pero ayaw dw umire ni jai. pinapasok nila ako sa loob para ipakita na nandoon na ang ulo ng bata. tinignan ko si jai makikita sa muka nya na hirap na sya umiiyak. Sinabe nya skin na hndi na daw niya kaya. ayaw n daw nya. sinabi ko na kaya mo yan nandto n tyo. mtagal n nting hinintay si baby. sinabi ko isang mahabang ire ng paulit ulit. Pinalabas na ulit ako ng midwife. naghintay ulit sa labas ng mga ilang oras. lumbas ulit si midwife para sabhin ayw tlgang umire ni jaila at kung my mngyari mang masama sa bata wala na daw silang pananagutan doon dahil tinatanong dw nila si jaila pero ayw daw nyang mag padala sa hospital ayon sa midwife. pinapasok ako ulet sa loob para tulungan si jai. hanggang noong oras n yun


ay ganon parin ang posisyon ng bata. pinuwersa na nilang ilabas ang bata. tinutulak nila ng madiin ang tyan ni jaila habang sinasabayan nya ng ire. mga ilang minuto dumating ng sa puntong umakyat na sa hinihigaan ni jaila ang isa sa midwife para itulak ng malakas at madiin ang tyan niya. gstong pigilan ni jaila ang kamay ni midwife dahil nasasaktan n dw sya. pero sinabi ng midwife na wag hawakan ang kamay niya para lumabas na ang bata. tiniis ni jaila ang sakit habang nka hawak sa kamay ko. mga ilang minuto ng pag tulak sa tiyan niya. lumabas ang bata pero wla ng senyales ng buhay na mkikita sa bata puro dumi na at hndi na humihinga. pinalabas ako ulit ng mid wife saktong pagkalabas ng bata. nghintay ako ulet sa labas ng mga ilang oras lumabas ang assistant ng mid wife sinabing hindi raw makahinga si jaila. pumasok ako ulet para tignan si jaila. nkita kong nirerevive nila ang bata pumunta ako kay jaila nakita kong hirap na siyang huminga papikit pikit na ang mata pero nkakapag salita pa sya humihingi sya ng tubig na mainet habang sinasabi ng paulit ulit na hndi sya makahinga at hindi na niya kami makita.tinanong ko sya kung naririneg nya ko ang sabi nya ay oo. sabi sa knya ng


midwife na meron syang oxygen na tumutulong sa pag hinga nya. nilagyan nila ng white flower ang ilong at dibdib ni jai. pinisil pisil nila ang pagitan ng thumb finger at index finger ni jai tinuruan din nila ako kung pano gawin iyon. hinilot nmin ng hinilot si jaila. tinanong ko si midwife kung normal lang b yun. ang sabi normal lng daw dahil mag po postpartum daw sya. tumagal pa ng ilang minuto paulit ulit lng nming hinihilot si jai sa kamay at sa paa. hindi ko na alam kung tama p b yung ginagawa namin hndi ko alam kung normal lang b tlga yung pagkawala ng paningin at hirap sa pag hinga. hanggang sa hinabol n nya ang paghinga niya at ilang sigundo lng nag


lock na ang panga niya hanggang sa nakagat na nya ang dila nya  doon n ng panic ang mga midwife at saka lang tumawag ng ambulance. noong nasa ambulance na kme nirerevive na si jaila buong byahe hanggang sa nkarating na kme sa Our lady of Pillars sa imus dahil sila lang ang malapit na ospital na mayroon intubator. Dead on arrival na daw po sya ang sabi ng doctor pero sinubukan nilang i revive si jai pero gamot nalng ang bumubuhay kay jaila sa. wala na syang Blood pressure. tubo para sa hangin at gamot para mag karoon ng heart beat si jaila sinabhan kmi ng doctor na evrytime na mawawala ang gamot paulit ulit lng nila irerevive si jaila. mabubugbog 


lang ang katawan ni jai Hanggang sa napag desisyunan na nmin ng mother ni jaila na isuko na si jaila dahil wala dw paraan para mbuhay pa sya  ang sakit sa puso na i let go ung taong araw araw mong ksama ung mga pangarap nming pinaghahandaan pagkatpos ng panganganak niya. Dahil sa kapabayaan ng iba sa isang iglap kukunin nila saamin si Jaila at baby Mahalia  Maayos lahat ng lab test nila chineck pa nila ang heart beat ng bata bago i pasok sa delivery room. malakas at malikot pa si baby  kung sana sinabi nila na hndi nila kaya una palang nag sabi na si Jaila hndi na nya kaya  Ni hindi manlang nila ako tinanong o sinabhan kung dapat na ba  naming dalhin si jaila sa hospital para i cesarian. Pinilit nilang i normal si jaila kht hndi n nya kaya  Napakaraming Plano pa ni jaila sa buhay. Tinangalan nila kme ni jaila ng karapatang magkapamilya  pangarap ni jaila magkaroon ng anak na babae kaso dahil sa kapabayan ng mga midwife sa Womens clinic pilipinas nawalan kami ng dalawang mahal sa buhay. lalo na si baby lia ni hindi manlang nya nasilayan ang mundo at kaming magulang niya 


Mahal, hindi kami titigil hanggat walang mananagot sa pagkawala nyo ni baby lia. Pinapangako naming mga ngmamahal sayo na sisiguraduhin nming makukuha mo ang hustisya.


Sa lahat po ng nag mamahal kay Jaila humihingi po kmi ng kaunting oras nyo para maitag nten kay sir #raffytulfoinaction  ang mensaheng ito upang mapanagot ang Womens Clinic Pilipinas Lying in sa Carsadang Bago 2 Imus cavite. Maraming salamat sa inyong lahat na tumulong at sumusuporta.


Narito ang post:

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment