Monday, February 22, 2021

Sa Pampanga isang Babae ang nabuntis kahit pa hindi nag s*x?


 


Posible bang mabuntis ang isang babae kahit na virgin pa?

Habang maraming lugar sa bansa ang nasa ilalim ng community quarantine dahil sa coronavirus pandemic, tumaas din ang bilang ng mga babaeng nagbuntis, kabilang na ang mga kabataan.


Ayon sa report ng Kapuso Mo, Jessica Soho, sanhi rin ito ng kakulangan ng tamang impormasyon o sex education katulad ng nangyari sa 25-anyos na si Mary Dianne Arganda-Castro na nabuntis nang hindi niya inaasahan.


Ayon kay Mary, nabuntis daw siya kahit na isa siyang virgin at hindi ba nakikipagtalik sa kanyang boyfriend.


Mary Dianne Arganda Castro


“Hindi naman ako si Mama Mary para mabuntis nang walang pangyayari,” saad ni Mary nang makapanayam ng KMJS team.


Pero paano nangyari ito?


Si Mary ay laki sa isang konserbatibong pamilya na naninirahan sa Pampanga.


“Iniiwas ko 'yung sarili ko sa kamundohan. Medyo na-realize ko sa buhay ko parang napaka-boring kasi never po akong nakipag-fling or flirt. I randomly opened the Bible. Random phase is 'Ought to Time,'” kwento ni Mary.


Hanggang sa makilala niya ang lalaking magpapatibok ng kanyang puso, si Roygie Castro.


“Ayun siguro 'yung sabi ni Lord na talagang maghintay ako. After a week lang, nakilala ko na po siya. Wala po akong masabi, maalaga at faithful,” aniya.


Umpisa pa lamang daw ng kanilang relasyon ay nilinaw na ni Mary kay Roygie ang pangarap niya na maglakad patungo sa altar nang “pure.”


“Gusto kong magsuot nang puting-puting gown kasi sabi dun sa Theology namin, dapat nagsusuot ng puting-puti 'yung pure,” aniya.


Roygie Castro


Umabot ng pitong taon ang kanilang relasyon at loob ng mga panahong iyon ay pinatunayan umano ni Roygie na pure din ang intensyon niya para kay Mary.


“Sa loob naman po ng seven years hindi naman po ako naghanap ng iba kasi mahal na mahal ko talaga siya,” aniya.


“E, wala pa naman nangyayari sa amin, walang sexual intercourse. Willing naman po ako maghintay,” dagdag pa niya.


Kaya laking taka ng mga ito nang makaramdam ng sintomas ng pagbubuntis si Mary noong September ng nakaraang taon.


“Bloated po ako tapos parang pagod na pagod. Nagsusuka na ako every after meals. Ang unang reaksyon ko po is baka ay sakit na ako sa ulcer kasi that time lagi akong nalilipasan ng gutom. Stressed din ako sa work.


“Pumunta pa ko sa ospita, tinanong agad ng doktor na baka naman buntis ka, 'Ay hindi po imposible',” pagbabalik-tanaw ni Mary.


Pero kahit na imposible para sa kanya ay nagpa-ultrasound pa rin siya para makasiguro.


“Never talaga sumagi sa utak ako na buntis ako. Pagdating dun sa womb ko sabi nung nag-u-ultrasound, 'Ma'am aware ka ba na buntis ka?'


“Hindi po ako makapaniwala pero nakikita ko kasi sa monitor and tinanong ko po sa kanya, Ilang weeks na?' [sagot nito], 'Eight weeks na ito may heart beat na nga.'


“'Paano e pareho pa po kaming virgin. Wala pa pong nangyari sa amin ng boyfriend ko?' Nag-smirk lang siya tapos sabi niya po, 'Immaculate?',” sabi pa niya.


Mary Dianne Arganda Castro at Roygie Castro


Nagulat hindi lamang si Mary kundi pati si Roygie sa kondisyon ng una. Naisip daw nito na baka may malalang sakit ang girlfriend niya.


“Na-shock din ako kasi possible ba 'yon? Napaka-rare po talaga ng nangyari. Hindi ko po talaga expected,” aniya.


Pinagdudahan din daw ni Roygie si Mary na maaaring nangaliwa ito.


Mariin namang sinabi ni Mary na “Never po akong nag-entertain ng other guys” at hindi talaga sila nagtatalik.


>

“Nagtaka po ako kasi buntis siya, e, wala pa namang nangyari sa amin. With the seven years na magkasama kami as in alam ko po talaga na faithful siya,” sabi pa ni Roygie.


Paanong nabuntis si Mary kung “virgin” pa ito?


Panoorin ang espesyal na pagtatampok ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa kalagayan ni Mary:


Samantala, narito ang ilang celebrities na ginulat ang publiko sa pag-anunsiyo ng kanilang pagbubuntis


NARIRITO ANG VIDEO PANOORIN:


So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment