Thursday, December 23, 2021

Aktres na si Kris Bernal, labis na nasaktan nang hindi siya pinag-renew ng kontrata ng GMA network!



Ang GMA actress na si Kris Bernal ay kilalang-kilala sa kanyang pagiging mahusay na aktres. Marami siyang nagawang mga dramaserye at pelikula sa sa isailalim ng GMA network na halos pumatok naman sa mga manonood. Naging exclusive talent si Kris ng GMA Artist Center, ang talent management ng Kapuso network, sa loob ng 13 taon. Kaya naman ganito na lamang siyang nadismaya at nasaktan ng hindi na siya pinag-renew ng kontrata ng GMA Artist Center.






Source:IG/krisbernal

Sa naging YouTube vlog sa kanya ng TV-host at aktres na si Toni Gonzaga na ‘Tonitalks’ nito lamang December 21, 2021 muling inilabas ni Kris ang kanyang masakit na saloobin. Sa panayaman sa kanya ni Toni G labis na naging emosyonal si Kris nang kanyang muling balikan ang pangyayaring hindi pagrenew ng kanyang kontrata ng GMA talent management.








Source:IG/krisbernal

Ayon sa aktres, iyon daw ang mga panahong tinatanong niya sa kanyang sarili ang kanyang halaga bilang isang artista. Naiiyak pang sinabi ni Kris na,


“Yeah. Very difficult talaga for me kasi, parang feel ko ba, throughout my career, nandun ako sa network ko.”

“When I finally got the memo na they’re no longer renewing me, parang the first word na nag-struck sa buong katawan ko at buong puso ko, na parang, ‘I was a failure.’”



Source:YouTube vlog/Tonitalks

Saad pa niya, “And parang, ‘I just didn’t fail myself but I also failed my family. I also failed my fans,’ parang ganun yung dating.”


“Pero alam mo na you had given your best. Like, hindi ko alam talaga.”


Kahit na isang taon na itong nakalipas labis pa rin daw siyang nasasaktan kapag naalala niya ito.





Source:YouTube vlog/Tonitalks

Aniya pa, “I know it was a long time ago, like a year ago, pero hindi ko lang naintindihan bakit.”


“Kasi, okay naman. I mean, hindi naman ako nag-a-attitude. And then, sabi ko nga, lagi ko namang ibinibigay yung best ko.”


Dagdag pa niya, “And actually, until today, question pa rin siya sa akin.”



Source:YouTube vlog/Tonitalks

Inamin din ni Kris na may nararamdaman na siyang insecurities sa mga bagong nagsusulputang mga talents.


Pahayag niya, “Nagkaka-insecurities din ako kasi parang siyempre may mga iba na ding bago.”


“Kumbaga, parang they’re open na din to renewing other actors.”

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment