Kritikal ang lagay ng isang babae matapos itong paghahampasin ng tubo ng kanyang kinakasama - Ayon sa mga kapatid ng biktima, selos ang naging ugat ng krimen bagamat ang suspek umano ang nahuli ng biktima sa akto - Nananawagan ngayon ng tulong ang magkakapatid para mahuli na ang suspek na hanggang ngayon ay nagtatago pa rin.
Nang makauwi raw sila ay nakatanggap muli sila ng mensahe mula sa suspek at pinapabalikan sa kanila ang biktima at sinabing napatay raw nito. Ayon pa sa magkapatid, kritikal ang lagay ngayon ni Danica na sasailalim pa sa operasyon. Ayon pa sa mga kapatid ng biktima, may mga nakapagsabi pa raw sa kanila na matagal nang may planong masama ang suspek dito.
Nananawagan naman ang kaanak ng biktima para mahuli na ang suspek. Isa sa kanilang pinagdududahan na posible raw na tumutulong sa suspek ay ang hinihinalang karelasyon nito na si Ferdinand Ignacio na nagbibigay raw dito ng pera. Mariin namang itinanggi ni Ferdinand ang akusasyon na may kinalaman siya sa pagtatago ng suspek.
Handa rin daw itong makipagtulungan sa mga awtoridad para mahuli ang lalaki dahil pinagnakawan pa umano siya nito ng alahas. Bagamat hindi kumbinsido ang kaanak ni Danica at mismong si Tulfo na wala itong alam sa lokasyon ni Ryker. Kasalukuyan nang punaghahanap ang suspek ng mga awtoridad. Nangangailangan rin ng tulong ang ginang para masuportahan ang kanyang pagpapagaling.
Panoorin ang video:
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment