Matapos ianunsyo ng Department of Health ang patuloy na pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa, marami na kaagad sa ating mga Pinoy ang nag-panic at nangamba dahil sa epekto na hatid ng naturang virus sa isang tao.
Kaya naman, hindi natin masisisi ang ilan sa ating mga Pinoy na mabilis na naniniwala sa mga balitang kumakalat sa social media, kahit pa man ito ay wala pang kasiguraduhan o kumpirmasyon mula sa DOH at sa pamahalaan.
Ayon sa Facebook page na The News Spy, may isang video clip umano na kumakalat ngayon sa social media kung saan maririnig doon na ang saging daw ay isa sa mga prutas na maaaring panlaban sa COVID-19. Dahil dito, ipinagbebenta na ngayon umano ang saging sa mataas na presyo dahil sa video na kumalat na ito.
Sa magkaparehong post, ibinahagi rin ng page ang ilang larawan kung saan makikita ang mga tao na namimili ng mga saging sa isang pamilihan at halos ubusin na lahat ito. Dahil rin sa video na kumakalat, marami na sa mga tao ang nais makabili ng saging sa pag-aakalang ito ay lunas sa COVID-19.
Pinapaalalahanan naman ang lahat na ang mga gulay at prutas ay nakakatulong lamang sa ating katawan dahil ito ay maaaring makapagpalakas sa ating immune system na magiging proteksyon ng ating katawan para sa COVID-19. Ngunit, hindi lunas ang mga ito na maaaring makapagpagaling sa isang tao na mayroong COVID-19.
Sa panahon natin ngayon, lalo pa at mayroong ganitong krisis na kinakaharap ang ating bansa at ang buong mundo, sana lamang ay iwasan na natin ang pagkakalat ng mga fake news sa social media dahil ito ay hindi nakakatulong at nakakaapekto lamang sa mga tao na mangamba at mag-panic pa lalo. Sana rin bago tayo gumawa ng mga ganitong balita at ikalat sa social media, dapat ay isipin muna natin ang magiging consequences nito, hindi para sa atin, kung hindi para sa mga taong makakabasa at makakakita nito.
Sa ngayon, wala pa ring nadidiskubre na lunas para sa COVID-19. Dapat lamang nating tandaan na maging malinis sa ating katawan, maghugas ng kamay palagi, at mag-alcohol. Dapat rin tayo ay maging alerto at huwag magpapaniwala sa mga fake news na kumakalat sa social media.
source : facebook
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment