Thursday, February 18, 2021

Sa New York, Pinay Nurse na naturukan ng Moderna Vaccine nagkaroon ng sakit


"Paggising ko ng umaga, nang magsepilyo ako, pagmumog ko, puro dugo ang bibig ko. Ang akala ko lang, nabangga lang ng sepilyo 'yung aking gilagid o 'yung ano ng bibig ko. Hindi ko inaasahan na talaga palang nadudugo 'yung bibig ko," saad nito.

Base sa pagsusuri ng doctor sa naging sanhi ng pagdurogo na naranasan ni Legaspi ay caused by lack of platelets at wala naman direktang inuugnay na ang pagpaturok niya ng bakuna ang naging dahilan sa pagdurogo.


72-years old na Pinay sa New York, Nagkaroon ng Sakit Matapos Maturukan ng Vaccine Moderna

Base sa kwento ni Luz Legaspi sa isang panayam sa TV interview.

"Pangalawang buhay ko na nga raw ito dahil hindi rin nila sukat akalain na malalampasan ko ito," saad ni Luz Legaspi sa reporter na nag-interview sa kanya nitong Lunes.



"Talagang ginawa nilang lahat ang dapat nilang gawin. Nagtulong-tulong sila. Pati nga doktor sa labas eh," she said.

Si Legaspi,ay pitong-taon ng naninirahan sa New York kasama ang kanyang pamilya na tumanggap naman ng kanyang unang turok ng anti-covid 19 vaccine noong January 18 2021.


"Naghanap ang anak ko kung saan dahil ang gusto ko talaga, mabakunahan. Kasi ang katuwiran ko, mas mahirap ang ma-COVID," wika nito.


Ayon pa kay Legaspi,hindi siya nakaramdam ng kahit anong side-effect sa araw mismo na siya naturukan ng bakuna.


Subalit,kinabukasan paggising niya,habang nagsisipilyo napansin niya ang namumuong dugo sa kanyang bunganga.





"Nang ngumanga ako, palibot na 'yung aking bibig ng mga namuong dugo. Pati dila ko, meron nang buong dugo sa dila ko. At hindi na tumigil 'yung pagdudugo ng bibig ko. Pati ilong ko, nagdudugo na," dagdag ni Legaspi .


Nagpa-admit si Legaspi sa Elmhurst Hospital at discharged rin ito pagkalipas ng dalawang linggo ng umayos ang kanyang pakiramdam mula sa mga rashes na naramdaman sa kanyang buong katawan.



"Siguro nga, sa pananalig ko sa Diyos na hindi ako pababayaan, kasama ko siya saan man ako makarating, ganoon. Ganoon ang ano ko sa sarili ko eh," dagdag ni Legaspi sa kanyang TV interview.

Sa ngayon,magaling na si Legaspi.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment