Tuesday, February 16, 2021

Mag-asawang Mariel at Robin Padilla pinagawan ng bahay ang kanilang mga kasambahay




Ito ay patunay lang kung gaano kalalim ang pagmamahal nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez sa kanilang mga kasambahay.

Pinagawan ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ng sariling apartment ang kanilang mga kasambahay.



Ayon sa mag-asawa na-isip nilang pagawan ng bahay ang kanilang mga kasambahay matapos nilang magpadala ng ayuda noong nagka-lockdown na sanhi coronavirus pandemic.

Nang makita ni Robin ang tinitirhan ng mga kasambahay nila, agad siyang nagpagawa ng apartment sa compound ng Museo Padilla kung saan agad na lumipat ang pamilya ng kasambahay nila.


Dahil dito hindi napigilan mapaluha nang magpasalamat ang mga kasambahay sa mag-asawang Robin at Mariel.



"Nagpapasalamat po ako dahil napapunta ako sa pamilya niyo," sabi kay Mariel ni Yaya Jo, ang midwife na tatlo at kalahating taon nang namamasukan kina Mariel at Robin.


Dagdag pa niya "Kakaiba po ang naranasan namin dito, hindi namin mararanasan sa iba."


"Iba po yung ipinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po ang pakiramdam. Parang at home na at home po ako dito sa bahay ninyo."


Itinuturing narin nila silang bahagi ng pamilya na talaga namang nakaka-mangha.


Sabi ni Mariel, "It is because they showed us loyalty, nagpakita sila ng pagmamahal sa amin at gusto naming suklian ng pagmamahal din yung ipinapakita nilang pagmamahal at mabuting serbisyo sa amin."

Maraming netizens ang bumilib ang humanga sa mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez ng kanilang bigyan ng pagpapahalaga ang kanilang mga kasambahay.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment