Thursday, February 18, 2021

PANOORIN! | Mag-asawa na nakatira sa sirang tent, Kinalimutan ng mga Anak nang makapunta ng Maynila


Ayon kay lola, mayroon siyang mga anak na nakatira sa Maynila ngunit matagal na silang hindi nagpaparamdam at tila kinalimutan na sila.

 Sa isang video sa Youtube na ibinahagi ng Radio anchor na si Archie Hilario, sinubukan nitong pasyalan at alamin ang mahirap na kalagayan ng mag-asawa.

Mag-asawang matanda ng nakatira sa sira-sirang tent ang tila kinalimutan na ng kanilang mga anak matapos nila palakihin.

Napag-alaman na ang dalawang matandang ito ay nakatira sa Linabuan Norte, Kalibo, Aklan na sinasabing kinalimutan na sila ng kanilang mga anak.

Mapapansan sa mag-asawang ito na bukod sa mga payat na pangangatawan ay hindi rin maayos ang kanilang tinitirahan dahil sa sira-sirang tent lang sila natutulog.

Makikita sa video na tagpi-tagpi lamang ang kanilang tinitirahan na tent.

"Yung dalawa nasa Maynila, wala ring kumunikasyon sa amin kung saan sila natira"- ayon kay lola.



Sinabi din ni lola na kahit sulat manlang sana ang kanilang matanggap mula sa kanilang anak sa Maynila ay magiging masaya na ang mga ito.


Hindi daw masama ang loob nila sa mga anak nila basta ang mahalaga daw umano ay malaman nila kung ano na ang kalagayan ng kanilang mga anak at kung anong balita sakanila.


"Hindi naman sumasama ang loob ko sa kanila.. bakit naman nila kami ginato, ni hindi nila kami pinapadalhan. kahit sulat lang. kahit padalhan nila kami ng sulat lang masaya na ako. Kahit sulat o sa Facebook lang makita namin sila, sasaya na kami."- saad ni lola.


"Hindi nila kami naalala ng dalawa naming babae sa Maynila."- dagdag pa nito.


Meron umano silang isang anak na namamasukan malapit sa kanilang lugar ngunit mayroon na din itong pamilya kung kaya naman kung wala itong maiaabot sakanilang pera ay wala rin silang makakain.


Dahil sa naramdamang awa ni Hilario sa matanda ay inalok nito kung puwede daw ba silang magpatayo ng bahay para sa mag-asawang matanda, ngunit sinabi ni lola na hindi maaari dahil hindi sakanila ang lupang kinatitirikan ng kanilang tent.



So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment