“Julia, hindi ka ba nagsasawa? Apat na beses ka nang niloko ng kasintahan mo. At sa pareho pang dahilan!”
Ngumiti nang mapait ang dalaga sa sinabi ng kaibigan, “Mahal ko talaga siya kaya handa ko siyang patawarin.”
“Ay naku, sana magising ka na sa katotohanan! Ang taong manloloko ay mananatiling manloloko.”
Dahil sa sobrang kabaitan ay palagi na lamang naloloko ng ibang tao si Julia. Hindi lamang ang kanyang kasintahan kundi pati na rin ng kanyang ibang kaibigan at kamag-anak. Pero hindi niya iyon iniinda. Ang palaging nasa isip niya ay, “Mas mabuti nang suklian ng pagpapatawad at kabutihan ang mga pagkakasala ng iba. Kaysa ipalaganap pa lalo ang kasamaan.”
Kampante si Julia na tutuparin ni Jose ang pangako nitong hindi na muling mambababae. Kaya naman nang tawagan niya ito at hindi sinasagot ang cellphone ay naisipan niyang surpresahin nalang ang binata sa apartment nito.
Bumili pa siya ng ice cream na may paborito nitong flavor. Hindi na siya nag-abalang kumatok dahil may sarili siyang susi ng apartment ng kasintahan. Lihim niyang pinagawa ito upang sa mga ganitong surpresang gagawin.
Nakita niyang magulo ang bahay nito. Naisip niyang ligpitin muna ang mga kalat, “Tulog pa siguro si Jose.”
Matapos niyang magligpit at pumasok siya sa kwarto nito. Hindi ito naka-lock tulad ng nakaugalian nito.
“Jose surprise–” napatigil si Julia sa nakita.
Tulog ang kanyang kasintahan katabi ng kagigising lang na dalaga.
“Sino ka?” tanong niya dito.
Ngunit imbes na sagutin siya nito ay ginising lang nito ang lalaking katabi. Gulantang naman si Jose sa nakita. Iyak na nang iyak si Julia.
“Sinungaling ka. Noong humingi ka ng tawad sakin, lumuhod ka pa! Akala ko talagang magbabago ka na!”
Wala nang salitang namutawi sa lalaki. Aminado siya sa kasalanan. Napakaboring kasi ng dalaga at ‘ni hindi niya ito mahalikan nang matagal sa mga labi. Masyado itong conservative. Iisa palagi ang dahilan nito sa kanya, “Kapag kasal na tayo, sayong-sayo na ako.”
Pero hindi na siya makakapag-antay na ikasal pa sila. Lalaki siya at may sarili ring pangangailangan. Simula nang araw na iyon ay wala nang naging balita pa sa dalaga.
Kahit ang mga kaibigan nito ay hindi na rin siya macontact. Nakonsensya naman si Jose sa nagawa sa dating kasintahan.
“Makonsensya ka sa ginawa mo, Jose! Wala na kaming contact sa kaibigan namin. Pinaka-nakakatakot isipin ay baka nagpakamatay na ‘yun. Alam mong nag-iisa lang sa buhay ‘yun ginanun mo pa!” sigaw ng matalik na kaibigan ni Julia nang puntahan niya ito isang buwan matapos itong mawala.
Sising-sisi ang binata sa nagawa sa kanyang dating kasintahan kaya naman hindi niya na namalayang dinala na pala siya ng sariling mga paa sa simbahan. Taimtim siyang nagdasal doon at humingi ng tawad sa Panginoon sa lahat ng mga naging pagkakasala niya. Halos mapaiyak na siya sa pagdarasal.
Tumayo siya at pinunasan ang sariling luha. Hindi sinasadyang nakabangga siya ng isang madre, “Sorry po, sister.”
Nagulat ito nang makilala kung sino, “Julia?!”
Kakaiba talaga ang kapangyarihan ng panalangin, dininig agad ng Diyos ang dasal niyang makita muli ang dalaga upang humingi ng tawad dito ngunit hindi niya lubos-maisip na sa ganitong paraan niya ito makikita.
“Madre ka na?”
Ngumiti ito nang tipid, “Hindi pa, matagal pa pero naglilingkod muna ako dito sa simbahan.”
Humingi siya ng tawad sa dating nobya, “Matagal na kitang napatawad. Simula nang pumasok ako dito sa simbahan kinalimutan ko na ang mapapait na nangyari sa labas.”
Hindi siya makapaniwala. Ang buong akala niya’y pagpapakamatay ang iisipin ng dating nobya. Maigi nalang at napakalinis talaga ng puso nito. Sobrang tanga niya lang at niloko niya ito noon. Pero masaya na rin siya para dito dahil sa wakas ay nakita na nito ang tunay na kaligayahan sa buhay– ang maglingkod sa Panginoon.
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment