Hiningi ng founder ng komunistang grupo na si Joma Sison na magbitiw na lamang daw si Pangulong Rodrigo Duterte at hayaan kay Bise Presidente Leni Robredo ang pamumuno sa bansa dahil sa kanyang kalusugan, bunga nga kanyang paggamit ng fentanyl.
“It is better for him to resign and yield his office to his Vice President before he dies or continues to languish in bed with his joyful fentanyl,” ayon umano kay Sison, mula sa ulat ng Inquirer.
Ang sinabing ito ni Sison ay lumabas matapos mag anunsyo ng palasyo na magpapahinga ang pangulo ng tatlong araw.
Nauna nang sinabi ng tagapagsalita ng pangulo na si Salvador Panelo, na ang break na ito ay hindi medical-related.
Matatandaan na inamin ni Pangulong Duterte na siya ay gumamit ng fentanyl , sanhi ng paulit-ulit na sakit na dulot ng isang pinsala sa gulugod na dulot ng aksidente sa motorsiklo noon pa.
Ayon pa kay Sison, na isa sa mga guro ng pangulo, ang mahabang pahinga at kaunting trabaho daw ng pangulo ay nakakapinsala sa mga tao.
Bagama’t hindi sinabi ni Sison kung saan niya nakuha ang impormasyon, ang paggamit umano ng fentanyl ng pangulo ay may kapalit na epekto sa pisikal at mental dito.
Hindi rin nito tinago na siya ay may myasthenia gravis, isang autoimmune na sakit. Inamin din ng Pangulo na na-diagnose siya ng Barrett esophagus, isang sakit na pumapasok sa lining ng esophagus.
Noong Oktubre ay naipabalitang naaksident si Duterte habang nagpapatakbo ng motorsiklo.
Samantala, nilinaw naman ng palasyo na hindi kailangang maglabas pa ng health bulletin tungkol sa kalusugan ng pangulo.
Si Sison ay ang founder at lider umano ng Communist Party of the Philippines (CPP) na inuugnay rin sa New People's Army (NPA).
Source: Inquirer

Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment