Itinanghal nga bilang pinakabatang bilyonaryo ang 34-year-old na si Melani Perkins, ang CEO at Canva co-founder.
Ang Canva ay isa sa mga kilala at nauusong digital platform ngayon sa iba't ibang parte ng mundo. Kaya naman ito ay pumwesto na sa $15 billion na siyang dahilan kung bakit naging mayaman ang mga taong nasa likod nito.
Sila ay sina co-founders Melani Perkins, COO Cliff Obrecht, at chief product officer Cameron Adams.
Si Melani ay hindi nag-aral sa design school, ngunit natuklasan niya ang kaniyang pagmamahal sa graphic design at digital media noong siya ay nag-aaral pa lamang.
Kaya naman talagang inspirasyon ngayon ng maraming kababaihan si Melanie, idagdag pa na siya ay mayroong dugong Pilipino.
Si Melani ay ikinasal sa kaniyang Canva co-founder na si Cliff Obrecht noong January 2021 sa Rottnest Island sa Australia.
Nakalikom ang mag-asawa ng tinatayang $6.18 billion para sa Canva kasunod ng kanilang pagpapakasal. Sila ay napasama naman sa top 10 richest individuals sa Australia makalipas lamang ang ilang buwan matapos nilang ilathala ang Canva sa publiko.
Halos ka-level na din nila ang mga media tycoons at mga mayayamang mining companies sa naturang bansa, at maging sa isa sa pinakamayamang personalidad sa Pilipinas na si Manny Villar.
Bukod sa pagpapalago ng kanilang negosyo, naisip din ng mag-asawa na bigyan ng oportunidad ang kanilang mga tauhan sa kumpanya na mag-invest.
Ngunit katuad ng ibang mayayamang personalidad ngayon, hindi din naging madali para kay Melani na makamit ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon dahil siya ay tinanggihan din ng maraming sikat na kumpanya ng ilang beses.
Ngunit sa kaniyang sipag at determinasyon ay nagawa ni Melani na mapagtagumpayan ang lahat ng hamon ng buhay na dumating sa kaniya at ngayon ay kinikilala na siya bilang pinakabatang bilyonarya sa buong mundo.
Hindi din nakalimot si Melani na ibalik ang lahat ng biyayang natanggap niya para sa mga taong nangangailangan. Ngayon nga ay ilang charities na din ang kaniyang natulungan at nakapagbigay na din sila ng mga trabaho sa maraming tao na.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment