Saturday, April 23, 2022

Ito Na Pala Ang Simpleng Buhay Ngayon Ni JERICHO ROSALES Sa Probinsya



 Isa sa mga kinakikiligan mula noon hanggang ngayon ay ang batikang aktor na si Jericho Rosales. Hindi maipagkakaila na naging parte siya ng ating mga puso noong hindi pa uso sa Pilipinas ang mga Korean novela. 

Kung matatandaan ay talagang tumatak sa ating isipan ang tambalan nila ni Kristine Hermosa. Ito ay matapos nilang gampanan ang role sa teleseryeng "Pangako Sa'yo". Hanggang sa nagtuloy-tuloy ang kanilang tambalan at nagkaroon pa ng maraming proyekto.



Magdadalawang taon na nang naging parte si Jericho ng teleseryeng "Halik" at ngayon nga ay mas pinili ng matinee idol na magpahinga muna sa kaniyang career sa showbiz industry.

Gumawa din siya ng kaniyang sariling online show na tinawag niyang "Gabi Na Naman With Jericho Rosales." Makikita sa kaniyang Instagram account ang mga post niya habang siya ay kumakanta o kaya naman ay nagkukwento ng kung ano-anong mga bagay.



Samantala, siya at ang kaniyang modelong asawa na si Kim Jones ay napagpasyahan na lumipat sa Surfing Paradise sa La Union. Magandang desisyon ito para sa kanila sapagkat parehas silang mahilig pagdating sa pagsu-surf.

Saa pa ni Jericho, sila ni Kim ay namumuhay na ng tahimik at nagre-relax. Dagdag pa niya, tila ba niyayakap na nila ang reyalidad na iyon na ang para sa kanilang mag-asawa.

Hindi din ikinakahiya ng aktor ang kaniyang lubos na kaligayahan sa simpleng pamumuhay na mayroon siya ngayon.

Kung makikita sa kaniyang social media accounts, ibinabahagi pa ng aktor ang paggawa niya ng mga gawaing bahay. Nagugustuhan na dind aw ni Jericho ang paglilinis, pagpasyal sa kaniyang mga alagang aso, pag-aalaga ng mga halaman, at pagkumpuni ng mga bagay-bagay.



Bukod pa diyan, hindi mawawala ang kaniyang pagkuha ng kamangha-manghang litrato gamit ang kaniyang camera. 

Sa gitna ng lahat ng ito, tuloy pa din ang kaniyang lifestyle sa pamamagitan ng pagsu-swimming at surfing, running, walking, at ang kaniyang pag-exercise araw-araw.

Kahit simple ang pamumuhay na mayroon si Jericho ngayon, para sa kaniya, ang mas importante ay ang kaligtasan at ang kalusugan.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment