Thursday, April 16, 2020

Magandang Balita Ngayong Araw Ang May PinakaMAtaas Na Recovery Na Covid-19 Patient Sa Pilipinas


Magandang balita, nakapagtala ng pinakamataas na bilang muli ng mga gumaling ang DOH sa bansa ngayong araw at umabot sa 58 ang mga nadagdag at may kabuuan nang aabot sa 353.



Mas marami nang gumaling sa #COVID19 sa Pilipinas kaysa sa mga nasawi.

58 pang pasyente ang naka-recover, ayon sa Department of Health ngayong Miyerkoles, Abril 15, 2020.


Sa kabuuan, 353 nang pasyente ang gumaling, ang pinakamataas na tala sa isang araw at higit sa 349 na nasawi.

Pilipinas ang sinasabing may pinakamataas na bilang ng infections sa buong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Una nang sinabi ng DOH na inaabot nang halos dalawang linggo bago tuluyang gumaling mula sa COVID-19 ang isang pasyente na nakararanas ng mild symptoms.

Mas matagal naman ang gamutan ng mga nakararanas ng malubha hanggang kritikal na kaso na maaaring umabot nang anim na linggo.

“Tayo po ay nakapagsagawa na ng 39,947 individual tests sa kabuuan,” wika ni Dr. Maria Rosario Vergeire, Undersecretary at tagapagsalita ng DOH.


Sumampa naman na sa 117,021 ang mga binabawian ng buhay sanhi ng sakit sa buong mundo habang papalapit na sa 2 milyon ang kumpirmadong nahawaan nito, sabi ng World Health Organization sa kanilang pinakahuling situation report. — may mga ulat mula kay Gaea Katreena Cabico

video
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment