Monday, July 9, 2018

Mayaman Na Lalaki Ang Kinupkop Ng Isang Mahirap Na Pamilya Hindi Nila Na May Kinaiingitan Ito Sa Kanila



Galing si Dino sa isang mayamang pamilya, ipinanganak na siya na hindi kailangang magbanat ng buto para kumain kaya naman hindi niya alam ang hirap na pinagdaraanan ng ibang tao.



Kapag aalis siya ng bahay ay nariyan ang kotse at driver para sunduin siya at kapag naman nagugutom ay bubuksan lang ang ref at tatambad ang maraming pagkain, o magpapaluto na lang sa kasambahay.

Napagdesisyunan ng ama ni Dino na magbakasyon kasama ang anak sa isang siyudad kung saan makikita nito, kung gaano kahirap ang buhay ng iba. Siya man, ay galing rin sa hirap, nagtyaga lang upang bigyan ng magandang buhay ang pamilya.


Matalino naman si Dino at may mabuting puso, lamang ay hindi pa sapat ang pagkakakilala nito sa mundo.

Napakiusapan nila ang isang mabuting pamilya na doon sila makikitira sa loob ng isang linggo, at sana ay huwag silang ituring na espesyal.

“Kung ano ang pagkain ninyo iyon din ang sa amin, at kung may mga gawain dito sa bahay, huwag kayong mahiyang magsabi sa amin dahil kami ang humihingi ng pabor.” pakiusap ng kanyang ama sa mga ito.

Nag alok pa nga ang kanyang ama na mag aabot ng kaunting tulong matapos silang panatilihin ngunit tumanggi ang pamilya.

Matapos ang isang linggo, nais malaman ng ama kung may mga natutunan ba si Dino.

“May mga natutunan ka ba sa pananatili natin sa bahay nina aling Gigi? ” tanong ng ama habang nagbabasa ng dyaryo isang umaga, nag aalmusal sila ni Dino.

“It’s great Pa.” simpleng sagot ng binata habang ngumunguya ng pandesal.

“Nakita mo na kung gaano sila kahirap?” tanong muli ng ama.

Sa sandaling ito ay napasulyap sa kanya ang binata. Tila ba napaisip sandali at muling nagsalita,

“Well, isa lang ang aso natin at apat ang sa kanila. Sa garden natin meron tayong swimming pool, sila naman may sariling ilog na walang katapusan ang dumadaloy na tubig. May mga mamahalin tayong ilaw, sila naman may mga bituin. Mayroon tayong patio, sila mayroong walang hanggang view ng magandang paligid.

Nabili tayong pagkain at sila, nagtatanim at gumagawa ng sariling pagkain. Meron tayong mataas na bakod para protektahan tayo, sila ay may mabubuting kaibigan para protektahan sila.” simpleng paliwanag ni Dino.



Natulala naman ang ama sa sagot ng anak. Nagpatuloy pa ang binata.

“Salamat Pa, dahil pinakita mo sa akin kung gaano tayo kahirap.”

Ang kwentong ito ay nagpapatunay na ang kaligayahan ay hindi nasusukat ng kayamanan at mga materyal na bagay. Oo at mahalaga ang pera at kailangan nga naman natin ito para maitawid ang araw araw pero di hamak na mas mahalaga ang pagmamahal, pagkakaibigan at kalayaan.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.

Disclaimer: Photos are for illustration purposes only.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment