Maraming tao ang nagsasabi na napaka-ikli ng buhay para sayangin lang sa kada-diet at dapat tikman lahat ng klase ng pagkain na masasarap, nakakapalusog man ito o hindi para naman mas ma-enjoy ang buhay.
Maaaring sang-ayon ka dito pero baka magbago ang isip mo pagkatapos mong basahin ang artikulo na ito.
Importante ang pagkain para mabuhay ang tao. Nakapagbibigay ito ng enerhiya na kakailanganin niya ang lahat ng kanyang aktibidad araw-araw. Pero hindi lahat ng klase ng pagkain ay nakabubuti para sa iyo. Masarap siguro ito sa panlasa pero kung wala naman na maibibigay na nutrisyon ay para na ring hindi tayo kumain. At ang ilan sa mga ito ay sobrang nakasasama at maaari rin na magresulta sa pagkasawi ng isang tao.
May isang kuwento tungkol sa isang 25 taong gulang na lalake na ang pangalan ay Xia Chao ng Hangzhou China, ang kanyang karanasan ay naging viral sa social media katulad ng Facebook at Twitter.
Ayon sa ilang balita, isang araw, nagreklamo na lang si Chao tungkol sa matinding pananakit ng kanyang tiyan at pakiramdam niya ay kinakailangan niyang pumunta sa hospital kaagad-agad. Sinabi ni Chao sa mga doktor na maliban sa sakit na nararamdam niya sa tiyan ay nakaranas din siya ng panghihina ng ilang bahagi ng kanyang katawan, balikat, balakang at likod.
Sa simula ay hindi natukoy ng mga doktor kung ano talaga ang dahilan ng kanyang nararamdaman kaya binigyan na lamang siya ng pain killers at pinayohan na bumalik kung nangyari uli ang mga sintomas na naranasan niya.
Pag-uwi niya, mas lalong lumala ang pananakit na naramdaman niya kaya kaagad siyang ibinalik sa hospital, at sa pagkakataon na ito ay gumawa ng x-ray ang mga doktor sa kanyang tiyan para malaman talaga kung ano ang dahilan ng matinding sakit na nararamdaman niya dito.
Dito na natuklasan ng mga doktor kung bakit nakararanas ng sobrang pananakit sa kanyang tiyan si Chao, at ito ay dahil sa sobrang gas o hangin sa loob ng kanyang tiyan. Gumamit ng tube ang mga doktor na ipinasok sa kanyang tiyan para lang matanggal ang akumulasyon ng hangin dito. Sa kabutihang palad, naging matagumpay ang operasyon at naging normal na ang kalagayan ni Chao.
Sa paglipas ng panahon, napag-alaman ng mga doktor na ang sobrang hangin sa tiyan ni Chao ay dahil sa kinain niya na instant noodles na nasabayan ng pag-inom ng carbonated drinks o soda. Ito ang nakunsumo niya sa nakaraang gabi bago niya maramdaman ang matinding pananakit ng tiyan. Dahil ginawa niya ito sa panahon na akmang matutulog na siya ay pinalala nito ang sitwasyon dahil ang kombinasyon na ito ay nagdulot ng malaking akumulasyon ng carbon dioxide sa loob ng kanyang tiyan na nakasira sa proseso ng digestion.
Para makita kung ano talaga ang epekto sa tiyan ng pagkain ng instant noodles na sinabayan ng pag-inom ng soda, isang eksperimento ang ginawa gamit ang dalawang ito kung saan inilagay ito ng sabay sa isang zip lock bag. Pagkalipas ng ilang minuto, mapapansin na kaagad ang pagbuo ng carbon dioxide dahil ang mataas na sodium content ng instant noodles ay mas nagkakaroon ng reaksyon pagdating sa mga molecules ng gas.
Hindi natin gustong maranasan ang ganitong tindi ng sakit at dalhin sa hospital kung saan magagastusan ka dahil lamang sa mga unhealthy foods na kinain natin. Maraming tao ang naloloko ng ganitong mga pagkain na naka-aayang tingnan at masarap pero wala namang maibibigay na nutrisyon at nakasasama pa sa kalusugan. Kaya bago maging huli ang lahat ay tandaan na mas mainam na kumain ng mga prutas at gulay dahil puno ito ng nutrisyon na kinakailangan ng katawan mo at iwasan ang mga junk foods na nagtatago ng mga negatibong epekto na maaaring magdulot ng iba’t ibang karamdaman.
Kung gagastos ka sa pagkain ay bumili na lang ng mga pagkain na nakakapalusog para humaba rin ang iyong buhay at mapalakas ang katawan para magawa mo lahat ng gusto mo sa iyong buhay.
Ipabasa ito sa pamilya at mga kaibigan mo para malaman din nila kung ang mangyayari kapag pinababayaan natin ang ating mga sarili at kumakain na lang ng kung anu-ano.

Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment