Ang bawang ay kilala bilang isa sa pinakamalakas na superfoods at ito ay madalas na ginagamit bilang sangkap sa pagluto sa buong mundo. Kahit malakas ang amoy nito at maaaring hindi lahat ay gusto ito, ang bawang ay napaka-epektibong gamitin bilang panlunas sa maraming mga sakit.
Ang ilan sa mga sakit na kayang pigilan ng bawang ay ang atherosclerosis, coronary heart disease, heart attack at pinapababa din nito ang blood pressure at cholesterol levels. Mabisa din ito para sa sipon, ubo, hay fever, fungal infections, diarrhea at kagat ng mga insekto. Nililinis din nito ang mga toxins sa katawan, pinapalakas ang immune system at mabisang lunas para matanggal ang sintomas ng osteoarthritis, enlarged prostate at diabetes.
Kapag hinalo ito sa ginger at honey, mas lalo nitong pinapalakas ang epekto ng garlic at may kakayahan itong ma-detoxify ang katawan na dumaan sa isang aggressive chemotherapy.
Para sa pinakamainam na resulta, gamiting ang bawang ng hilaw. Durugin na lamang ito, putulin ang dahon at pabayaan ng 15 minuto. Ang init ng apoy ay binabawasan ang pakinabang ng allicin compound at ibig sabihin nito ay ang pagluto dito ay nakakatanggal sa bisa nito bilang panlunas. Ang pagdurog dito ay nakakapataas sa bioavailability nito.
Kainin ito ng walang laman ang tiyan, bago kumain o uminum ng kahit ano dahil ang nutrients na galing dito ay mahihirapan na sipsipin ng katawan kapag puno ang tiyan. Para mapalakas ang immunity, siguraduhing gamitin ang tonic na gawa sa honey at garlic araw-araw.
NATURAL ENERGY- BOOSTER (RESIPE)
MGA SANGKAP:
2-3 garlic cloves
1 tbsp ng honey
PREPARASYON AT PAGGAMIT:
Tadtarin ang garlic cloves at ihalo ito sa isang kutsara ng honey. Inumin ito araw-araw ng 2 beses para mapalakas ang enerhiya mo at mapabuti ang iyong kalusugan.
GARLIC-FLU TONIC (RESIPE)
MGA SANGKAP:
5 garlic cloves, chopped
2 red chili peppers, chopped
1 tbsp ng ginger, chopped
Juice ng 1 lemon
Raw at unfiltered na apple cider vinegar
TANDAAN:
Ang natural oils sa ingredients na ito ay malakas at marahil magdulot ng pagpapantal sa mga sensitibong balat. Tiyakin na magsuot ng gloves habang inihahanda ang resipe na ito.
PREPARASYON AT PAGGAMIT:
Ilagay sa isang layer ng 350-500 ml mason jar ang tinadtad na bawang
Idagdag ang hot peppers sa panibagong layer o patong kasama ang buto nito
Ihalo sa huli ang ginger at ibuhos ng sabay ang lemon juice at organic apple cider vinegar
Takpan ang jar, mag-iwan ng 1 centimeter na pagitan sa gilid nito.
Itago ito sa isang dispensa at gamitin araw-araw ng hindi kumulang sa 2 teaspoons
Ang nakamamangha na panlunas na ito ay makapagpapalakas sa immune system mo mo para hindi ka na magkasakit muli.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment