Monday, February 21, 2022

Jake Zyrus Nagviral ang Topless na photo


 


Limang taon na pala ang nagdaan matapos sumailalim ni Jake Zyrus sa breast removal, noong March 29, 2017 ang unang beses na ipinakita ng transgender singer ang resulta ng kanyang breast removal sa publiko.


Ibinahagi ni Jake Zyrus ang isang topless photo niya sa kanyang Instagram account noong sabado, February 19, 2022.



“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao.


“Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi parin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan,”


Ito ang naging unang pagsasalaysay ni Jake Zyrus sa naging desisyon niya na ibahagi sa publiko ang kanyang larawan.


“Pero ngayon, palalayain ko na lahat yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong buo ko i-post ito.


“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, komportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender.



“Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sa’yo ‘to.


“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din ‘yun. Lahat ‘yan may tamang panahon. Well. This is me guys. Mahal ko kayong lahat,” Ito ang naging kompletong pahayag ni Jake Zyrus.


Masaya naman itong si Jake Zyrus dahil sa wakas ay nakuha na niya ang magkaron ng katawan ng isang lalaki sa pamamagitan ng isang breast removal. Ayun pa dito ay importante sa kanyang ang March 29, 2017 na petsa dahil ang araw na pagsilang ng isang bagon kataohan, na dati ay kilala bilang isang Charice Pempengco na minsan naging isang international singer at dati’y babae pa ang kanyang anyo.


Naging malaki ang epekto ng pagtransition nitong si Jake Zyrus sa kanyang career dahil nabawasan ang kanyang mga tagahanga at ang kanyang popularidad ay hindi na nag katulad pa nang dati. Pero hindi naman iyo ganon kaimportante sa transgender singer dahil para sa kanya mas importante pa rin ang kanyang kaligayahan, at masaya siya sa kung ano siya ngayon.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment