Muling nagbigay ng kanyang opinyon si Lolit Solis ukol sa estado ng relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos.
Nitong mga lumipas na araw ay naging usap-usapan na naman sa social media sina Yen at Paolo. Namataan na naman kasi silang magkasama at enjoy sa kanilang holiday vacation sa Boracay.
Dahil pa nga sa kasuotan ni Yen ay inakala ng marami na siya ay nagdadalangtao na. Ngunit mariin itong itinanggi ni Paolo.
Samantala, bilang manager ni Paolo, naglabas muli ng kanyang pahayag si Manay Lolit tungkol sa isyu.
Aniya, dapat daw ay hindi maging judgemental ang mga tao. Dahil pareho naman umanong single ngayon sina Yen at Paolo.
“Iyon issue kila Paolo Contis at Yen Santos hangga ngayon hindi ko maintindihan, Salve. So si Paolo Contis natapos ang relasyon kay LJ Reyes, naghiwalay. Si Yen Santos, siguro tapos narin sa BF niyang politician. Nagtagpo ang dalawa, naging sila, so ano problema?” ani Lolit sa kanyang IG post.
” Hindi kasal si Paolo kay LJ, wala naman sabit si Yen sa pulitiko, eh ano ngayon kung silang dalawa na? Nagtataka nga ako bakit kailangan nila magtago, o umiwas eh pareho naman silang walang commitment. Meron narin naging anak kay Paulo Avelino si LJ Reyes, walang naging issue, kaya hindi naman siguro hahabulin ni LJ si Paolo Contis dahil sa anak nilang si Summer,” dagdag pa nito.
Saad pa ng batikang kolumnista, “Huwag naman tayong maging judgemental, bigyan natin ang lahat ng second chance, third o higit pa hangga matagpuan niya ang kaligayahan para sa kanya. Hayaan natin sila mismo ang makakita ng pagkakamali nila, huwag natin unahan.”
Narito ang kabuuan ng post ni Lolit ukol dito:
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment