Gatas ng isang ina -- ito ang panawagan ng isang tatay para sa kanyang twins na nawalan na ng ilaw ng tahanan.
Pumanaw na kasi ang asawa ni Tatay Jairus Gutierrez isang araw matapos manganak.
"Sobrang hirap po kasi lumalapit pa po kami sa mga tao para humingi ng breastmilk. Minsan po may kapalit."
May sakit din sa dugo ang dalawang bata kaya mahalagang breastmilk ang inumin nila, ayon sa doktor. Kaya si Tatay Jairus, nagsusumikap na magtrabaho at maghanap ng makukuhanan ng donasyon na breastmilk.
"Lahat po kayang gawin. Lahat kayang isakripisyo. Para po sa kanila. Para sa ikagiginhawa ng buhay nilang dalawa."
Kaya ang #UnangHirit, may hatid na mga tulong kay Tatay Jairus! At ang artistang si Aicelle Santos, nag-donate din ng kanyang breast milk para sa mga baby!
Photos from Jairus Gutierrez
—
Sa nais mag-abot ng tulong, makipag-ugnayan kay Jairus Gutierrez dito:
+639297258971
Naririto ang post:
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment