Saturday, February 13, 2021

Tiniis ang mga humuhusga sa kanya dahil nabunstis sa edad na 18 ngayon ay nakagraduate na



Hindi inaasahang magdalantao sa murang edad na 18, Si Siya si Zianne Tremedal, 21 years old na ngayon, panganay sa tatlong magkakapatid, ay nahusgahan bilang black sheep ng family dahil sa katigasan ng ulo at parating nadidis-appoint ang kanyang mga magulang.


Estudyanteng teenager ngayon ang nagbibigay inspirasyon sa mga tao dahil sa kanyang katatagan sa kabila ng mapait na karanasan.





Nang malaman niyang siya ay 2-months pregnant, magsisimula na siya ng kanyang 3rd-year sa Southwestern University sa Cebu City, sa kursong Medical Technology. Pumunta si Zianne sa isang malapit na clinic at doon niya narinig ang heartbeat ng baby niya sa pamamagitan ng ultrasound.


“Naiyak ako. Hindi ko alam kung tears of joy or sadness. Pero ang sarap sa pakiramdam ‘pag narinig mo ang first heartbeat ang baby mo,” sabi niya sa isang interview.




Dahil doon napag-isip siya ng malalim kung hihinto sa pag-aaral o hindi. Nag-decide si Zianne na huwag huminto, at nang manganak siya dinala niya sa mga magulang niya ang baby niya at ipinagpatuloy ang pag-aaral.


“Gusto kong magtapos on time kasi ‘yun ang gusto ng parents ko,” kuwento ni Zianne. “Gusto ko ring maibalik sa kanila ang lahat ng binigay nila sa akin at sa anak ko.”


Bawat araw, pumupunta siya sa library para mag-aral, tinutulungan din siya ng mga kaklase niya sa pamamagitan ng pagbitbit ng kanyang bag.



Pero ang pinakamahirap daw sa lahat ay ang pag di-pansin sa mga taong alam niyang siya ang pinag-uusapan.


“Masakit, nakakahiya, pero wala na akong pakialam kasi hindi naman sila ‘yung makikinabang sa mga ginagawa ko. Ako at ang baby ko naman ang makaka-benefit sa pag-aaral ko,” sabi ni Zianne.


Habang ang baby niya ay nasa parents niya, nagpapadala siya ng breastmilk para sa baby niya.


“Nag-pa-pump ako habang nag-aaral,” sabi niya sa Twitter.



“Ilang bottles pinupuno ko tapos nilalagay ko sa freezer at pinapadala sa Mindanao through ice bucket. Cargo lang thrice a week.” “Umiiyak ako parati. Every time na naririnig kong umiiyak siya, gusto ko nang umuwi, kaso alam ko kailangan kong tiisin ang lahat ng lungkot, kasi para sa kanya ‘yung pag-aaral ko.”


Lahat ng paghihirap niya ay nabiyayaan noong April 2018. Nakamtan niya ang kanyang Medical Technology degree.




“Regrets are inevitable, so are mistakes. Nagkamali ako pero hindi ibig sabihin ay uulitin ko ito,” “That one mistake taught me a valuable lesson. Mahirap, pero worth it.”



Nagsilbing inspirasyon si Zianne para sa mga kabataang nasa parehong sitwasyon niya na huwag panghihinaan ng loob sa mga panahonng gaya nito, bagkus tignan ang positibo sa mga negatibong pangyayari.


Source: mostrendingph 

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment