Friday, February 26, 2021

Sa hirap man o ginhawa: Lola at lolo, pinatunayan ang habang-buhay na pagsasama



 Sa hirap man o ginhawa: Lolo at lola, pinatunayan ang habang-buhay na pagsasama

Sa Facebook post na ibinahagi ng isang netizen, nanawagan siya na tulungan ang mag-asawang matanda na naninirahan sa isang barong-baro sa Maguindanao
Ayon sa post ni Jerry T. Ledesma, sa kabila ng katandaan at kahirapan sa buhay ay hindi sumuko ang mag-asawa sa isa’t isa.
Makikita ang kaawa-awang kalagayan ng mag-asawang itinago ang pangalan dahil ayaw umano nilang maging pabigat sa kanilang mga anak.
Humanga si Ledesma sa tibay ng mag-asawa kaya bilang tulong ay naisipan nitong ibahagi ang kanilang kalagayan sa social media.
Sina Lolo at Lola na lamang ang nakatira sa isang barong-barong. Kapwa nangangayayat din ang dalawang matanda.
Kwento ni Ledesma, hindi umano nila iiwan ang isa’t isa kahit ano man ang mangyari. Sa hirap man o sa ginhawa ay nabubuhay sila para sa isa’t isa.
“Sana ay matuunan natin ng pansin at matulungan man lang sila kahit sa pamamagitan ng pagshare ay malaking tulong na po para makarating sa kinauukulan. Sila ay nakatira sa Barangay Damaklit, Paglat, Maguindanao,” panawagan ni Ledesma.
Nag-bigay din ng tulong si Ledesma sa mag-asawa para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay ngunit alam niyang kulang iyon.
May mga netizens din ang naawa at naantig ang damdamin nang makita ang mga larawan ng mag-asawa. May mga nagtanong din kung nasaan ang mga anak o kaanak ng mga ito.
“May mga anak pa po ba ‘yan? Kawawa naman. Nakakadurog ng puso. Dapat sa kanila ay inaalagaan,” ayon sa isang komento.
Isang netizen na bumisita rin sa mag-asawa ang nagpatunay na magkasama sa hirap at ginhawa ang dalawang matanda. Si lolo ay mahina na rin umano ang pandinig.
“Sobrang sweet ni Lolo kay Lola, habang may ginagawa si Lolo nasa tabi lang siya ni Lola,” ayon sa netizen.
SA mga gusto pong tumulong kina Lolo at Lola Maari lamang PO ay kontakin sent sila SA numerong 09311810453
Nais tumulong.
Gcash Account
Babylyka Santos
09488724994
Guminhawa pa sana ang pamumuhay ng mag-asawa sa mga nalalabing panahon nila sa mundo.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment