Wednesday, January 20, 2021

Masipag na magsasaka napagtapos ang 8 anak sa kolehiyo


 ag-asawang magsasaka itinaguyod ang walong anak sa pag-aaral at nakapagtapos umano lahat ito ng kolehiyo at may kanya-kanyang propesyon.



Ayon sa post ni Jovy Cataraja-Albite ay ibinahagi nya ang pagsisikap ng kanyang Ama at Ina sa pagsasaka upang mapagtapos silang walong magkakapatid sa kolehiyo.


Lubos ang pasasalamat ni Jovy sa kanyang mga magulang dahil kahit hirap sila sa buhay ay hindi sila pinabayaan ng mga ito na hindi makapatapos sa pagaaral.


Ayon sa ibinahaging post sa Facebook, si Jovy ang panganay sa kanilang walong magkakapatid at isa din siya sa nagsilbing pangalawang ina at gumabay sa kanyang mga nakababatang kapatid.


Kwento ni Jovy, minsan na raw umano siyang pinanghinaan ng loob dahil na rin sa hirap ng buhay, ngunit laking pasasalamat nito noong pinilit na magpursigi ng kanyang mga magulang sa pagsasaka kung kaya naman sabay-sabay nilang naabot ang kanilang mga pangarap.


Si Jovy ay isa na ngayong lisensyadong nurse at ang limang mga lalaking kapatid nito ay isa ng police, architect, marine, civil engineer at nautical, habang ang dalawang babae naman ay accounting staff at teacher.


Nakakatuwang isipin na lahat silang magkakapatid ay nakapagtapos ng pagaaral at pawang mga propesyonal na ngayon ng dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang sa pagsasaka.



Ang kwento ng pamilya nila Jovy ang patunay na hindi hadlang ang kahirapan ng buhay upang hindi pagtagumpay sa mga pangarap basta may pagtutulungan sa bawat pamilya at mayroong pananalig sa Diyos ay pasasaan pa't makakamtan din ang ginhawa.


Ito ang Post ni Jovy sa kanyang FB Account,


"Wala q kahibaw onsaon pag sugod pero salamat aning duha ka tao (mama and papa) nga bisan sa kalisod nga atong na agian sa kinabuhi wala mi ninyo pasagdi. Thank you for believing in us and for not giving up on our dreams.


So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment