Friday, January 8, 2021

Kaibigan ni Christine Dacera may inamin sa Pulisya kung sino ang naglagay sa inumin ni Dacera


 Ibinulgar ng isa sa mga suspek ang kakaibang kwento sa kanya ng flight attendant ni Christine Dacera noong mga huling sandali nito.


Sa isang press conference, ikinuwento ni Rommel Galido na diumano’y may isinumbong sa kanya si Christine tungkol sa isa sa mga bisita nila noong New Year’s Eve party na ginanap sa isang hotel sa Makati City.


Pero ayon sa kanyang kwento ay hindi niya sineryoso ang sinabi sa kanya ni Christine na natagpuan na lamang wala ng buhay matapos ang nasabing party.


“Tumabi siya sa’kin, then sabi niya, ‘Sis, parang I feel something, parang naiiba ‘yung pakiramdam ko.’ I think merong naglagay sa inumin niya, sabi niya sa’kin. Then sabi ko, ‘Who?’ and then sabi niya, ‘I think Mark,’” ani Rommel.


“Then sabi ko lang sa kanya, ‘Gaga, kung ano anong pinag-iisip mo.’

Gumano’n lang ako sa kanya then dinedma ko na siya, bumalik na naman ako sa pagtulog,” dagdag niya pa.


Matapos tanungin ng media kung sino nga ba ang “Mark” na sinasabi niya ay sinabi niya na ito’y si Mark Anthony Rosales.

Hindi pa nag bibigay ng kahit anong pahayag si Rosales hanggang ngayon kung totoo nga ba na may inilagay siya sa inumin ni Christine.





Ayon naman sa isa pang kaibigan ni Christine na si Clark Capinan ay nakita nila ang flight attendant na masama na ang pakiramdam ilang oras bago siya matagpuan sa bath tub.

Handa naman silang patunayan na hindi sila gumagamit ng kahit anong pinagbabawal.


kanyang mga kaibigan na itinuturing na suspek.


“Edi wow nga! Edi wow, wow, wow!” ani Mrs. Sharon Dacera. 

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment