Matiyaga ang pamilyang ito na magipon ng napakaraming pera sa kanilang Kwarto
Tila panaginip at pangrap nga ng ilan sa marami ang maranasan ang humiga at magpagulong-gulong sa napakaraming salapi. Ngunit posible nga bang mangyari ito? siguro sa mayayamang tao at mga kilalang tao sa lipunan na may magandang kabuhayan.
Ngunit ngayon, isang pamilya ang nagpatunay na maari kang humiga sa maraming salapi kung nanaisin mo, kahit pa nga ba hindi ka ipinanganak na mayaman.
Isang pamilya nga, ang nag bahagi sa social media ng kanilang inipong pera sa loob ng isang taon at nakamamangha ito dahil halos hindi na makita ang kanilang kama sa dami ng pera na ibinuhos nila dito.
Ibinahagi nga ng netizens na si Abby Sarmiento Mendoza, sa kanyang facebook account ang ipon ng kanilang pamilya na talaga namang naglamangha sa marami. Halos dalawang higaan ang pinuno nila, ng ibuhos nila dito ang mga naipon nilang perang papel at mga barya.
Kung kadalasan, isang “Piggy bank” ang ginagamit ng marami sa atin para makapag-ipon ay hindi naman ito ang ginamit ng pamilya ni Abby. Isang babasaging salamin na tila isang kahon na tulad sa ginagamit sa mga raffle ticket sa mga mall ang nagsilbing alkansya ng pamilya ni Abby.
Upang mas sipagan pa nga silang maghulog dito, ay nilagyan nila ito ng disenyong bahay at eroplano dahil sa mga ito umano nakalaan ang kanilang iniipon.
Matapos nga ang isang taon at ilang buwang pagtitipid nila, napagdesisyunan nila na buksan na ang kahon at laking gulat at pagkamangha nila dahil sa hindi nila inaasahan na napakarami na pala ng naipon nilang pera at halos mapuno nga nila ang kanilang dalawang kama.
Tila na-engganyo naman at na-inspire ang ilang mga netizens dahil sa nakitang ipon ng pamilya ni Abby, kaya naman marami na sa atin ngayon ang gumagawa ng mga Ipon Challenge na talaga namang masasabi nating inportante sa lahat ng bagay ang pagkakaroon nv ipon lalo na sa panahon ng krisis.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment