Wednesday, August 29, 2018

Minamaliit Ng Kanyang Mga Katrabaho Ang Dalaga Dahil Sa Iskwater Lang Nakatira Pero Isang Mahalagang Tao Ang Nanindigan Para Sa Kanya


Nilait at Minaliit ng mga Katrabaho ang Dalaga nang Malamang sa Iskwater Lang Siya Nakatira, Sa Huli’y Napahiya ang Lahat nang Isang Mahalagang Tao ang Nanindigan Para sa Kanya

Masayang-masaya si Alexandra sa pagpasok niya sa unang araw niya sa trabaho. Ito pa naman ang kanyang pangarap na kumpanya. Ipinangako niya sa sarili na ibibigay niya ang lahat para magtagal sa trabaho at kumpanyang iyon.



Ngunit ang kasiyahan niya ay napalitan agad ng pagkadismaya makalipas ang isang linggo ng kanyang pagpasok sa trabaho. Narinig niya ang usapan ng mga bagong kasamahan. Kasalukuyan siyang nasa cubicle ng banyo nang may marinig na usapan.


“Sino ba ‘yung sinasabi mo kanina?”

“Yung bagong employee. Feeling maganda, akala mo naman hindi natin alam na peke lang lahat ng brand na suot niya.”

Nagtawanan ang dalawa, “Oo, at alam ko din yung street na sinabi niya kung saan siya nakatira. Iskwater yun sis!”

Lalong lumakas ang tawanan nila. At sa pag-aalalang baka hinahanap na siya ng manager niya, ay napilitan siyang lumabas ng banyo. Nagulat naman nang bahagya ang dalawang nagkukwentuhan.

Pero agad din silang nakabawi. Parang wala lang sa mga ito na narinig niya lahat ng sinabi ng mga ito. Nagpatuloy ang mga ito na pag-usapan siya. Ayon sa mga ito ay naiinis daw sila sa dalaga dahil kahit bago ay paborito na agad ito ng manager nila. At isa pa’y hindi daw nababagay sa sikat na kumpanyang ito ang isang tulad niyang laki sa iskwater.


Ngunit imbes na magpatalo sa sakit ng mga salita ng ibang tao ay nagbingi-bingihan lamang sa lahat si Alexandra. Naging mapursigi siya sa pagtatrabaho at ginamit ang talino upang mas makaangat sa buhay.

Dahil sa talinong iyon ay agad siyang napromote sa trabaho, hindi niya rin akalaing malaki na pala ang naiipon niya.

“Gusto mo na bang lumipat sa mas maayos na tahanan, anak?” tanong ng ina dahil hindi naman lingid sa kaalaman nito ang nararanasan niya sa trabaho.


Umiling, “Hindi po ‘nay. Mas uunahin ko po muna ang maipagamot kayo. Okay lang po ako.”

Hinawakan nito ang kanyang kamay, “Anak, huwag kang matakot magsalita para sa sarili mo.”

Kinabukasan ay siya agad ang nakita ng kasamahan, “Ang baho naman dito, amoy iskwater! Naligo ka ba, Alexandra?”


Sasagot palang sana si Alexandra nang biglang may magsalita, “Hindi kasalanan ni Alexandra na pinanganak siyang mahirap. Isa pa, hindi naman nakakahadlang sa pag-asenso ng isang tao ang pagtira sa iskwater. Hindi ba?”



Gulat ang lahat nang makitang ang manager pala nila ang nagsalita. Tameme at walang nasagot ang mga chismosang kasamahan niya. Nginitian siya ng may-ari ng kompanya na matagal na palang nakatayo sa may pintuan at nakikinig lamang, “Alexandra ipagpatuloy mo lang ang ganyang pag-uugali. Always be humble. Galing rin ako sa iskwater, pero tulad mo ay hindi ako nagpaapekto sa sinasabi ng iba laban sa akin noon. I like how you do your job now. Keep up the good work, hija.”



Halos manginig naman ang mga empleyadong nahuli na nambu-bully sa dalaga. Nahuli ang kagaspangan ng ugali niya at hindi nila alam kung ano ang kalalagyan nila ngayong mismong ang may-ari ng kompanya ang nakakita ng ginawa nila sa kapwa nila.
Disclaimer: Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na tao o personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Ang  Trending News Viral ay isang website na ang layunin ay magbigay ng aral, inspirasyon at katuwaan sa mambabasang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapalawig ng aming imahinasyon upang makagawa ng makabuluhang akda na tumatalakay sa pang-araw-araw nating buhay. Ang mga akdang ito ay orihinal na gawa ni  Trending News Viral at ng kanyang mga manunulat.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi sa amin ang inyong sagot sa comments section sa ibaba. Para sa mas maraming updates, i-like lamang ang aming Facebook page.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment