Monday, March 12, 2018

MABISA AT MABILIS NA PANGTANGGAL NG UBO, PLEMA SA LALAMUNAN AT DIBDIB


Isa ka ba sa mga tao na nakararanas ng baradong ilong at lalamunan, kung kailan hirap ka sa paghinga? Paulit-ulit ba ang ubo mo at marami ka nang nauubos na tisyu dahil sa kababahing?



Ang mga karamdamang ito ay nangyayari dahil sa sobra at matagal na naipon na plema sa loob ng baga. Sa kabutihang palad, maraming mga natural na panlunas na makakatulong para dito.

Ang plema ay isang makapal at dilaw o berde na bagay na ginagawa ng mucous membrane sa respiratory tract. Ginagamit itong proteksyon ng katawan laban sa iba’t ibang mga impeksyon katulad ng sipon, ubo, lagnat at marami pang iba. Kung naipon ito ng sobra sa lalamunan at dibdib, maaaring magdulot ito ng ubo na siyang paraan ng katawan para mabawasan ito. Gayunman, ang sobrang pagkaipon nito sa baga ay nangyayari rin dahil sa sipon, ubo, mga bakterya o mga viral infections na maaaring magresulta sa mas malubhang mga sakit.

Ang mga tao na nakararanas ng lagnat, panghihina ng katawan, sipon, madalas na pag-ubo at kahirapan sa paghinga ay siyang may sobrang plema sa baga. Kung hindi ito nabigyan ng lunas kaagad ay maaaring mabara ng plema ang bronchial tubes at magdudulot ng mas matitinding mga sakit, kung kailan mahirap nang gamutin ng mga simpleng gamot. Ipinagpala pa rin tayo dahil biniyayaan tayo ng kalikasan ng mga natural na panlunas na madaling matagpuan at magamit para mabawasan ang plema sa ating katawan, at para na rin mabigyan ng lunas ang mga respiratory infection ng mabilis at epektibo. Ito ang ilan sa pinakamabisang panlunas na maaari mong gamitin:

HONEY AT LEMON

Ang kombinasyon ng honey at lemon ay mabisa para sa maibsan ang masamang pakiramdam at iritasyon sa respiratory tract. Ang honey ay kilala bilang mabisang panlaban sa mga bakterya at mga impeksyon na dulot ng fungi at kaparehas din ito ng nagagawa ng lemon. Ang lemon ay isang tropiko na prutas na mataas ang laman na vitamin C, ito ang nagpapatibay ng immune system at para na rin mabilis na matanggal ang bara sa daluyan ng hangin. Ito ang kailangan mong gawin para makagawa ng isang timplada gamit ang honey at lemon:

Mga sangkap:

1 tablespoon ng naturan na honey o pulot

2 tablespoons ng lemon juice



Preparasyon:



Paghaluin lahat ng sangkap sa isang bowl. Maaari mo na itong ikunsumo pagkatapos para malabanan ang congestion at para na rin maibsan ang sakit at impeksyon.


GINGER



Ang luya ay kilala bilang isang mabisa at all organic na decongestant at antihistamine, na taglay ang expectorant at antibacterial na mga katangian. Ang ugat ng ginger ay may kakayahang maibsan ang pagbabara ng dibdib at lalamunan sa pamamagitan ng pagtuyo sa akumulasyon ng plema at para mapabilis ang pagtanggal nito sa katawan. Para mabigyan ng lunas ang respiratory infection, kailangan mo lang isaalang-alang palagi ang iyong kalusugan. Para dito, kumain ng 3-4 slices ng ginger araw-araw o puwede ka rin na uminom ng ilang tasa ng ginger tea. Ito ang kailangan mong gawin para makagawa ng isang epektibong tsaa:



Mga sangkap:



6-7 piraso ng ginger

2 cups ng tubig

1 tablespoon ng all natural na honey o pulot

1 tablespoon ng black peppercorns


Preparasyon:



Painitan ang tubig sa isang pan. Kung kumukulo na ito ay maaari mo nang ilagay ang ginger at peppercorns dito. Pagkatapos, takpan ang pan at pabayaan itong kumukulo ng ilang minuto bago bawasan ang init at pabayaan na naman na kumukulo ng ilang minuto. Pagkalipas ng oras na ito, alisin ang pan sa apoy at pabayaang lumamig. Salain ito bago lagyan ng 1 tablespoon ng all natural na honey para mapabuti ang lasa nito. Magkunsumo ng mga 2-3 tasa ng tea na ito araw-araw para maibsan ang pagbabara at makahinga ka ng maayos.

APPLE CIDER VINEGAR

Ang ACV o apple cider vinegar ay naging sikat sa buong mundo dahil sa malakas at natural na antibacterial components nito. Magagamit ito para mapigilan ang sobrang produksyon ng plema sa loob ng katawan, at para na rin mapanatili ang tamang balanse ng pH dito. Para makuha mo ang lubos nitong pakibanang ay magkunsumo ng hindi kukulang sa 1 tablespoon ng raw ACV sa isang baso ng tubig araw-araw. Magagamit mo rin itong pangmumog para maibsan ang mga sintomas ng sore throat. Gawin mo ito at magugulat ka sa resulta.

TURMERIC

Ang turmeric ay gawa sa isang sangkap na kung tawagin ay curcumin. Ito ay may malakas na antibacterial property na mabisang panlaban sa mga impeksyon. Ito ang kailangan mong gawin para magamit ang spice na ito bilang panlunas sa mga respiratory infections:

Mga sangkap:

1 teaspoon ng turmeric

½ teaspoon ng asin

1 baso ng maligamgam na tubig

PREPARASYON:

Idagdag lamang ang turmeric sa maligamgam na tubig at paghaluin ito ng mabuti bago ilagay ang asin at haluin na naman ng maigi. Gamitin ang solusyon na ito bilang pangmumog ng ilang minuto ng hindi kukulang sa 3-4 beses sa isang araw para mabisan ang akumulasyon ng plema sa baga at para na rin malaban ang mga impeksyon na maaaring mangyari dito. Ang pagmumog ng asin kasama ang tubig ay malaki ang maitutulong para maibsang ang iritasyon na dulot ng sore throat, ang asin ang siyang pumapatay sa lahat ng bakterya sa resipe na ito.

STEAMING

Ang steaming ay isa sa pinakamabisang at epektibong paraan para maibsan ang pagbabara ng dibdib at mabawasan ang mga plema na makikita dito. Ang paglanghap sa usok dahil sa steaming ay kayang lusawin ang mga naipon at bumuo na sipon sa lalamunan at dibdib. Makakakuha ka ng magandang resulta sa paggamit lamang ng tubig na hinaluan ng ilang halaman o herbs. Ito ang kailangan mong gawin para makagawa ng panlunas gamit ang steaming:

Mga sangkap:

½ teaspoon ng dried rosemary

½ teaspoon ng thyme

4-5 cups ng kumukulong tubig

Preparasyon:

Ilagay ang thyme at rosemary sa kumukulo na tubig sa isang bowl, yumuko dito at takpan ang ulo ng tuwalya para makulong ang usok na lumalabas dito para malanghap mo ng lubusan. Gawin ito ng 3-4 beses sa isang araw para mabilis na guminhawa ang pakiramdam.

Para maiwasan ang sobrang akumulasyon ng plema sa baga ay madalas na bumahing lamang at huwag uminom ng malalamig. Iwasan ang paninigarilyo dahil mas pinalala nito ang sitwasyon. Maaari ka ring gumamit ng humidifier sa bahay para makontrol ang produksyon ng mucus sa loob ng katawan, at iwasan ang paglanghap sa amoy ng pintura. Kung napapansin mo nang may plema sa lalamunan mo ay huwag itong lunukin. Magmumog lamang ng tubig at asin bago ito idura lahat. Puwede ka ring kumain ng spicy foods na may kasamang bawang at sili dahil epektibo rin ito. Bumisita rin sa doktor para malaman mo ang iba pang maaari mong gawin para sa karamdaman na ito maliban sa mga nabasa mo sa taas.
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment