Saturday, October 7, 2017

Korean Star Jung Ji-hoon na mas kilala ng pinoy na "Rain" ay tutulong sa mga biktima ng Marawi



Tampok sa isang concert para sa mga biktima ng giyera sa Marawi ang Korean superstar na si Rain.



Nakatakdang bumalik sa Pilipinas si Rain sa Nobyembre 3, para sa isang benefit concert kasama ang ilang local recording artist gaya nina Sam Concepcion, Jay-R, at Kris Lawrence.



Muling nagbabalik si Rain sa pagiging artista matapos ang kaniyang serbisyo para sa militar sa Korea.



Nakatrabaho ni Rain sa kaniyang bagong awit kamakailan si Psy, ang umawit ng sikat na kantang "Gangnam Style."

Bukod sa benefit concert, sunod-sunod rin ang mga nakapilang konsiyerto ng mga K-pop group sa bansa.

Hanep na choreography at swabeng dating ang hatid ng Korean boy band na Seventeen sa kanilang "Diamond Edge" concert na idaraos sa SM Mall of Asia Arena sa Oktubre 6.




Binubuo ng 13 miyembro ang Seventeen na tanging K-Pop group na napasama sa listahan ng "Hottest Young Stars of 2015" ng Billboard magazine.

Magsasama-sama naman sa Oktubre 28 ang ilang bagong K-pop group sa "K-Pop Republic Concert" sa Circuit Event Grounds, Makati.

Tampok dito ang mga grupong NCT 127, G-Friend, Cosmic Girls at N.Flying.

Hindi rin naman nagpahuli ang ilang lokal na banda.

Siyam na Pinoy rock icons at iba pang mga banda ang matutunghayan sa isang concert.



Kasama rito ang Juan Dela Cruz Band nina Pepe Smith, Mike Hanapol at Wally Gonzales, Lolito Carbon, Basti Artadi, Razorback, The Youth at marami pang iba.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment