Friday, October 21, 2022

Andrea Garcia handang magpasilip


 Isa si Andrea Garcia sa tampok sa bagong mapapanood sa Vivamax na ‘Lovely Ladies Dormitory,’ isang six-part mini-series, at aniya, handa raw siyang magpasilipe.


Ang ‘Lovely Ladies Dormitory’ ay mula sa direksyon ni Mervyn Brondial, at itinatampok din dito sina Hershie De Leon, Yen Renee, Tiffany Gray, Julia Victoria, Alma Moreno, at iba pa.



Siya rito si Tracy, law graduate na naghahanda para sa bar exams. Galing sa mayamang pamilya na may hacienda. Sanay siya sa sophisticated lifestyle pero conservative na dalaga at nag-iisang virgin sa grupo.


Ayon kay Andrea, nakaka-relate siya sa role niya rito dahil tumira siya sa dorm noong college days niya.


Gaano siya ka-sexy sa serye at ano ipinasilip niya rito?


Nakangiting sagot ni Andrea, “Tulad ng lahat ng projects ko, galante naman ako sa viewers… lahat naman masisilip nila.”


Nabanggit din ng sexy actress na happy siya sa nangyayari sa career niya ngayon.


“Sobrang happy, pinaghirapan at pinagtrabahuhan ko talaga ito and this time ay nakikita kong nabibigyan na ako ng chance,” sambit pa ni Andrea.


Abangan ang bagong series na pinagbibidahan ng limang sexy stars na siguradong mang-aakit sa lahat ng manonood. Malapit na itong mapanood sa Vivamax. (Nonie Nicasio)

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment