Saturday, April 9, 2022

Vina Morales, Nagsalita Na Tungkol Sa Pagdadalang Tao Diumano Ni Shaina Magdayao



 Nitong nakaraang mga linggo ay ikinagulat at kinakiligan ng mga netizens ang mga sweet photos ng Kapamilya stars na sina Shaina Magdayao at Piolo Pascual. Sa nasabing mga larawan, makikitang kasama pa nila sina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago na tila ba nag-double date sa kanilang bakasyon.

Samantala, kaakibat ng naturang mga larawan ay ang pagtatanong ng mga netizens kung nagdadalang tao na ba ngayon ang Kapamilya actress na si Shaina. 


Sa isang article na inilabas ng Bandera kamakailan lamang ay nakapanayam nito ang mga nakakatandang kapatid ni Shaina sina Shiela Magdayao at Vina Morales. Sinagot ni Shiela ang tanong kung nagdadalang tao nga ba si Shaina katulad na lamang ng hinala ng karamihan. Halos kapareho lamang ang isinagot ng isa pang kapatid ni Shaina na si Vina Morales patungkol sa maugong na relasyon nina Piolo at Shaina.

Nagulat na lamang umano si Vina sa mga lumabas na larawan nina Piolo at Shaina dahil wala itong alam kung sila na ba talaga. Pag-amin pa niya, lagi naman umanong sweet ang dalawa sa isa't isa.


"Ewan ko dyan sa dalawang iyan," saad ni Vina sabay tawa. 

"Lagi naman kasing sweet 'yan sa isa't isa. Nako, tanungin mo sila. Ako ayaw ko ng tanungin si Shaina. Nagulat na lang nga ako sa photo na iyon. Ang alam ko lang kasama niya si Jodi Sta. Maria sa Bohol at nandoon pala si Papa P," dagdag pa ng aktres.

Sinang-ayunan naman ni Vina ang Bandera team na bagay naman sina Shain at Piolo. 

"Agree naman ako, lalo na sa ugali. Parehong mabait at pareho pang business-minded ang dalawa kaya magkakatulungan sila sa negosyo," saad ni Vina.

Ayon pa kay Vina, kung sakali man daw na buntis ang kaniyang kapatid na si Shaina ay tiyak sila umano ang unang makakaalam ng ukol dito. Well, kung si Shaina man o Piolo, wala naman umanong problema doon dahil parehas na single ang dalawa.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment