Friday, April 8, 2022

Isang Pinay Na Nagtatrabaho Sa Australia Bilang Taga-pitas Ng Prutas, Kumikita Ng P226,000 Sa Loob Ng Isang Buwan



Ikinagulat ng marami kamakailan lamang ang sinasahod ng isang Pinay sa Australia sa kaniyang trabaho bilang taga-pitas ng prutas.

Ito ay kinilalalang si Mariel Larsen na nagtatrabaho sa Australia na kumikita lang naman ng P226K sa loob lamang ng isang buwan sa pamimitas niya ng prutas.


Si Mariel ay apat na taon ng namamalagi sa naturang bansa at doon na din niya nakilala ang kaniyang asawa na nagtatrabaho din bilang isang fruit picker.


Kaya naman para makatulong sa gastusin ng kanilang pamilya, naisipan na din ni Mariel na pasukinang trabaho ng kaniyang asawa, lalo na at maganda din naman ang sinasahod nito dito.

Sa loob ng isang buwan, kumikita si Mariel ng AU$3,000 hanggang AU$6,000 o ang katumbas ay P113,000 hanggang P226,000.


Sa isang panauam ng GMA kay Mariel, sinabi niya, "Nakapunta po ako dito sa Australia dahil nakapag-asawa po ako ng isang Australyano, so dinala niya po ako dito sa Australia."


Pagbabahagi pa ni Mariel, hindi din daw ganoon kadali ang kanilang trabaho dahil nasa 300 hanggang 500 kilo na prutas ang kanilang kailangan na pitasin upang mapuno ang malaking bin na kailangan nilang punuin.

Saad niya,


"By the end of the day, as in mararamdaman niyo po talaga yung sakit ng likod niyo, dahil nakatayo po kayo [buong araw] ang then mabigat po yung bag."


Sila din daw ay mayroong mga suki na mga farm na pinupuntahan nila kada taon.


"May routine na po kami every year. Meron po kaming farm na permanently na po talaga na pabalik-balik kami sa iba't ibang prutas na tinatrabahuan po namin."



Nakatira ang pamilya nina Mariel sa isang camper van upang maging convenience na din sa uri ng kanilang trabaho.


Suportado naman si Mariel ng kaniyang asawa sa pagsama nito sa kaniya. Ani pa ni Mariel, may plano din daw sila ng kaniyang asawa na magpatayo ng sariling bahay, lalo na at mayroon silang anak.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment