Marami ang nagulat ng anunsyo ni TV host/actress Toni Gonzaga na bibitiw na siya bilang main host ng Pinoy Big Brother sa loob ng 16 years.
Malaking usapin ngayon sa social media ang biglang pag step down ni Toni as main host ng nasabing programa. Ito ay lumabas matapos hayagang iendorso ng TV host ang kabilang partido.
Toni Gonzaga bali-balitang hindi na babalik bilang host ng Pinoy Big Brother
Bukod pa dito, inendorso din ni Toni sa nasabing pr0cl4mation r4lly ay sinasabing isa sa dahilan ng pagkawala ng prangkisa ng Kapamilya network, si Deputy Speaker Rodante Marcoleta.
Samu’t saring komento ang inani ng actress/TV host sa naging desisyon na ito.
Kasunod nito, isang dating empleyado ng ABS ang naghayag ng mensahe para kay Toni kaugnay ng ginawa nitong pagsuporta sa taong dahilan kung bakit marami ang nawalan ng trabaho.
Kinilala ang nasabing empleyado na si Kevin Manalo, dating reporter ng ABS na nasama sa lay-off noong 2020.
Hindi napigilan ni Kevin na maghayag ng kanyang saloobin tungkol sa mainit ngayong si Toni Gonzaga.
Ayon sa dating reporter, bilang isa sa mga nawalan ng trabaho noon sa pagkawala ng network, they deserve an explanation. Dapat lamang daw na magbigay ng paliwanag si Toni sa mga dating kasamahaan sa ginawa nitong pagendorso kay Marcoleta
Tinawag pa niyang walang delikadesa ang TV Host dahil hindi man lang daw nagpasabi si Toni sa mga kasamahan ukol sa mga plano nito.
“Ang delicadeza ay yung aalis ka bago mo gawin yung pag-endorso sa nagpasara sa kumpanya mo. Allow those who were affected to prepare for it at least. You reopened wounds by vocally expressing your support to them. So yes, we deserve an explanation. We deserve an acceptable reason.
Bukod kay Kevin Manalo, ilan pa sa mga dating nakasama ni Toni Gonzaga sa network ang naghayag ng pagkadismaya sa ginawang ito ng aktres.
Sa ngayon ay wala pa nilalabas na reaksyon si Toni ukol sa mga paratang na ito sa kanya.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment