Monday, February 28, 2022

Isang Lalaki, Nagpa-ret0ke Ng Siyam Na Beses Para Lamang Matanggap Sa Trabaho


 


Nakilala ang 26-anyos na lalaki sa pangalang Do Quyen na unang nag-viral sa TikTok. Ito ay matapos siyang sumali sa isang challenge sa nasabing online platform kung saan ipinakita niya ang kaniyang dating hitsura bago iparetoke ang kaniyang mukha ng siyam na beses!




Marami naman sa mga followers ni Quyen ang nagulat dahil sa malaking pagkakaiba ng kaniyang dating hitsura na tila magkaibang tao ang nasa kaniyang before and after pictures.






Ayon kay Quyen, madalas umano siyang tuksuhin at pagtawanan ng mga tao dahil sa kaniyang pisikal na anyo na siyang dahilan para bumaba ang kaniyang tiwala at self-confidence sa sarili.






Madalas din daw siyang umuuwing luhaan at walang napapala sa paga-apply niya sa iba’t ibang kumpanya dahil hindi siya tinatanggap ng mga ito dahil lamang sa kaniyang pisikal na hitsura.


Dahil dito, napagpasyahan ni Quyen na sumailalim sa plastic sur6ery hindi lamang isa o dalawang beses kundi siyam na beses pa!





Ilan lamang sa mga pinagdaanang proseso ni Quyen ay ang double eyelid sur6ery, chin implant, lip implants, rhinoplasty, lip reshaping, porcelain veneers, at iba pa.


Tinatayang nasa $17,256 o humigit-kumulang P847,977 ang nagastos ni Quyen para sa mga naturang surgeries.




Inamin naman ng binata na sa kabila ng pagtutol ng kaniyang mga magulang sa kaniyang desisyon na magpa-retoke, ito ay itinuloy pa din niya dahil talagang purisigido at determinado lamang siya na baguhin ang kaniyang pisikal na kaanyuan, hindi para sa ibang tao kundi para sa kaniyang sarili.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment