Nanghihingi ngayon ng panalangin ang Megastar na si Sharon Cuneta sa kaniyang mga followers at mga netizens sa kaniyang mabilisang paggaling sa kaniyang s4kit ngayon.
Matatandaan na kamakailan lamang ay nagbahagi ng maiksing video clip si Sharon sa kaniyang Instagram account para ipaalam sa kaniyang mga kaibigan at mga followers ang iniinda niyang s4kit ngayon.
Sa naturang video, maririnig ang pag-iyak ng aktres kasabay ng pagpapakita niya ng ice pack bag. Humihingi naman si Sharon ng panalangin para sa kaniyang mabilisang paggaling sa kaniyang s4kit.
Aniya,
"Hi guys. All I'm show you is my ice pack bag. Please pray for me because I'm not feeling well. I'm just a little bit s1ck so please for me. Love you guys. Take care and stay safe."
Samantala, hindi naman nabanggit ni Sharon kung anong klaseng s4kit ang tumama sa kaniya. Kaagad naman bumuhos sa comments section ng naturang post ang mensahe at panalangin para sa mabilisang paggaling ng singer.
Nauna na dito ang kasamahan niya sa show ng ABS-CBN na "Your Face Sounds Familiar" na sina Ogie Alcasid at Gary Valenciano.
Sa paglipas ng araw, tila lumala ang karamdaman ni Sharon dahil naka-isolate na ito ngayon sa loob ng kanilang bahay. Hindi na din siya malapitan ng kaniyang mga anak at hinahatidan na lamang siya ng pagkain sa kaniyang kwarto.
Ipinakita din ni Sharon na sa pamamagitan na lamang ng text niya nakakausap ang kaniyang mga anak na sobrang miss na miss na niya. Gayundin ang paghahanda ng pagkain sa kaniya ng anak na si Frankie Pangilinan na sobra naman na naappreciate ng Megastar.
Mapapansin din na naging madalas ang pagre-repost ni Sharon ng mga paalala para makaiwas sa C0VID-19. Dahil dito, marami ang nag-alala na marahil ang naturang sakit ang iniinda ngayon ni Sharon.
Samantala, patuloy pa din ang pagbuhos ng mensahe para sa tuluyang paggaling ng singer-actress.
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment