Monday, October 11, 2021

Nanay Dugṹan matapos pagbintangan ng asawa may kalaguyong iba



Hindi matutumbasan ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak at pamilya. Ang ina ang tanglaw at ilaw ng tahanan. Bilang babae, napakahirap ng responsibilidad na ginagampanan ng isang ina, hindi ko pa man naranasan na magka-anak pero ramdam ko ang hirap, noong aking kabataan, ako ang tumutulong sa aking ama, sa mga panahong nagkasakit ang aking ina, ang hirap gampanan. Ikaw ang magluluto, maglalaba, at


gumabay sa mga maliliit na kapatid - sa lahat ng kanilang problema sa paaralan, at sa pag-akay sa kanila hanggang sa lumaki.


Dumaan din ang ating mga ina, sa pagdadalaga, nararamdaman din nila ang masaktan, umiyak dahil sa mga lalake na kanilang minahal, hindi man natin alam ang lahat ng kanilang kuwento, pero katulad din natin, sila din ay naging tanga, nasaktan, lumaban at natuto.


Noong nasa sinapupunan pa tayo ng ating ina, inaalagaan nila tayo ng siyam na buwan, dinadala hanggang sa lumabas at makita natin ang ganda ng mundo. Nakataya ang buhay nila noong isinilang tayo, at hindi tayo magiging tao, kung hindi tayo minahal at inalagaan.



Ang ina, sila yung gumigising ng madaling araw dahil umiiyak tayo kapag basa ang ating lampin o kaya dahil tayo ay gutom, sila ang walang sapat na tulog at palageng nakabantay kapag tayo ay nagkakasakit , ginagawa ang lahat para tayo ay gumaling, para hindi tayo makagat ng lamok, at para tayo ay mabuhay.


Habang lumalaki tayo, gumagawa sila ng paraan para mapakain tayo, mabigyan ng sapat na pag-aalaga at pag-aaruga. Kapag tayo ay nadadapa at umiiyak, pinapatahan tayo at niyayakap. Kung may problema tayo sa paaralan, sila ang ating tagaligtas at tagasubaybay. Habang tayo ay lumalaki, andyan sila para tayo ay gabayan, damayan tayo kapag tayo ay nasasaktan, nabibigo sa pag-ibig at nagkakamali sa tinatahak na landas.



Noong gusto kong pumasok sa pagsusundalo, pinigilan ako ng nanay ko, dahil ayaw nya na maaga akong mawala sa mundo, aanhin daw nila ang anumang kayamanan o sweldo, kung habambuhay daw nila akong hindi makikita at mauunahan ko pa daw sila, hindi nila kailanman matatanggap na makita ako sa kabaong na nakahimlay. Nakuha ko pang sagutin ang nanay ko, dahil pangarap kong maging sundalo, pero ngayon, naiintindihan ko na sya, kapag nakakakita ako ng sundalong namamatay dahil sa bakbakan o kaya nasabugan ng landmine, naiiyak ako, ang hirap pala, iniisip ko na paano kung ako ang nasa loob ng kabaong, ang sakit para sa magulang, lalo na sa ina, inalagaan ka at sinuportahan hanggang sa umabot ka sa narating mo, tapos bigla ka lang mawala at mauunahan mo pa siya.


Dakila ang pagmamahal ng isang ina,para sa kanyang anak, kaya kahit nakuha man natin silang sagutin o suwayin, mas nangingibabaw pa din ang pagmamahal nila sa atin dahil may mga bagay na mas sila ang nakakaalam at mas kilala nila ang ating pagkatao.

Utang natin sa ating magulang ang ating buhay, hindi tayo makakita ng mundo at mamuhay dito kung hindi dahil sa ating magulang. Meron man tayong kanya-kanyang pinagdadaanan, pero parehas tayong lahat na may ina at dumaan sa sinapupunan.

Gayunpaman, sumasaludo ako sa mga ina, nanay.mama at mommy ng ating kasundaluhan. Sila ang may malalakas na kalooban, mga matatapang at andiyan na nakasuporta sa kanilang mga anak na sundalo, kung mahirap at masakit sa mga kabiyak o sa kasintahan ang maiwan ,mas doble ang sakit sa ina na mawalan ng sundalong anak, dahil sa kanyang sinapupunan eto nanggaling at mismo siya ang nagpalaki nito.

Kaya sa mga misis/asawa, kasintahan ng sundalo, huwag po tayong maging madamot sa ating mga biyenan,o sa ina ng ating minamahal, dahil bilang babae, alam natin, kung anong pakiramdam ng isang ina lalo na kapag tayo ay may mga sariling anak at pamilya na. Minsan, may mga panahong, hindi tayo magkakaintindihan ng ating biyenan, pero lawakan po natin ang ating kaisipan, dahil bali-baliktarin man ang mundo, utang mo sa ina ng minamahal mo, ang lalakeng minahal mo sa ngayon, hindi ka magkakaroon ng minamahal na katulad ng meron ka sa ngayon, kung hindi dahil sa ina at magulang na nagtataguyod, nagmamahal at nagpalaki sa kanya.



Sa lahat po ng ina ng ating hukbong sandatahan, SUMASALUDO po ako sa inyo, sa tapang at lakas ng loob nyo para sa inyong mga anak na pinili ang propesyon na marangal at sobrang delikado. Saludo po ako sa inyong pagmamahal at pagpapalaki sa mga tinaguriang bayani ng ating bansa. Maraming salamat sa inyong pagluwal at pag-aaruga sa aming sundalo, hindi kami magkakaroon ng kasintahan/asawang sundalo, kung hindi dahil sa inyo. Hindi nyo man kami araw-araw na makakasama,” Nanay, katulad ng pagmamahal namin sa aming ina, ganundin ang pagmamahal at respeto namin sa inyo.” Mabuhay po kayo, mga dakilang ina ng hukbong sandatahan.


Kung ang ating magulang man ay tumanda na, huwag po sana natin silang kalimutan at ipagsawalang-bahala dahil utang natin sa kanila ang lahat, aaminin natin, hindi natin kayang tumbasan ang kanilang pagmamahal sa atin, huwag po sana nating ilagay sila sa home for the aged, or hayaan na lang na mamuhay mag-isa. Hindi tayo mabuhay sa mundong eto kung hindi dahil sa kanila. Kaya sa kaunting panahon na makakasama natin sila, iparamdam po natin sa kanila ang ating wagas na pagmamahal, dahil hindi panghabam-buhay andiyan sila para sa atin.


Maraming salamat sa pagbasa sa aking diary, sana po ay may natutunan kayo. God bless.

So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this article to your family, relatives and friends online.

Share this story by clicking the button below !

Visit and follow our website: Trending News Viral

© Trending News Viral

Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of Trending News Viral. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful.

No comments:

Post a Comment