Nang idineklara ng Malacañang na isasailalim sa Enhanced Communi Quarantine (ECQ) ang NCR Plus, kasabay nito ang pagbibigay ng bagong 'guidelines' sa mga lugar na sakop ng ECQ. Isa na lamang sa nasabing guidelines ay ang pagkakaroon ng curfew ng 6 ng gabi hanggang 6 ng umaga.
Nag-viral sa social media ang video ng isang barangay personnel na tila pinapalinawagan ang isang delivery rider. Binanggit niya sa nasabing video na hindi maituturing 'essential goods' ang lugaw na idedeliver sana ng rider.
Mabilis na kumalat ang nasabing video dahil ayon sa mga netizen ay mali ang pagpapaliwanag nito sa rider.
Dahil dito, nagbigay umano ng pahayag ang sinasabing barangay personnel na makikita sa video. Kinilala siya sa pangalang Phez Raymundo. Sa kumakalat na post umano ni Raymundo, sinabi nito na tumigil na ang mga tao sa pang-babash sa kanya.
"Stop bashing me, give me a chance to change my mistakes."
Inamin naman niya ang kanyang pagkakamali ngunit hindi daw dapat na siya ay ibatikos dahil tao lamang din siya at nagkakamali.
"Resulta lang po ako ng maling sistema, kung meron lang tayong competent task force para sa pandemyang ito edi sana hindi nagkakaroon ng kalituhan at pagkakaiba iba ng mga resolusyon na ipinapatupad," dagdag pa niya.
Nagpasalamat din siya sa kapitan ng barangay sa pagtanggal sa kanya sa kanyang trabaho, "Salamat Kap sa pagtanggal sa akin sa serbisyo, sa lahat ng magandang nagawa ko sa ating barangay isang pagkakamali lamang, nawalan na ako ng hanapbuhay."
Tao lang din ako patawarin nyo na ako pero di ko parin papalusutin lahat ng lugaw dito sa barangay namin kahit sino pang talaga palasyo nyo walang lugaw ang makalulusot
Posted by Phez Raymundo on Wednesday, March 31, 2021
Share this story by clicking the button below !
Visit and follow our website: Trending News Viral
© Trending News Viral
No comments:
Post a Comment